• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mare-renew ang kontrata kahit kakapirma pa lang: KIM, happy na kasama si PAULO at ipatitikim ang bagong ini-endorse

GINANAP ang isang malaking launch ng Brilliant Skin Essentials sa The Blue Leaf Cosmopolitan noong June 2, 2024 para ipagdiwang ang ilang mahahalagang milestones ng brand.
Una rito ang grand launch ng pinakabagong produkto na Hello Melo Drink, na kung saan ang Kapamilya aktres na si Kim Chiu ang pinakabagong endorser, kasama ang contract signings ng F&D at iFuel.
Nagsimula ang event sa inaabangang contract signing with F&D ng Brilliant Skin Essentials.
Binuksan ni Miss Glenda dela Cruz, CEO ng Brilliant Skin Essentials, ang event na may inspirational na pahayag.
Sinabi niya, “Nandito ‘yong Lola ko, ‘yong family ko. She’s (Miss Glenda’s Inang) the reason kung bakit ako nandito, gusto kong ipakita sa kanya na lahat ng pinaghirapan mo, ito na ‘yong bunga ng marami ng nagmamahal sa apo mo, at ang dami pong nagmamahal sa Brilliant Skin-lalo na po kayo (F&D). Kaya sabi ko bibigyan ko ng magandang launching ang Hello Melo, ang ating bagong product.”
Nagkaroon ng chance ang mga bisita na manalo sa raffle prizes, kasama ang Brilliant Medical Group treatments, cash prizes, at major prizes tulad ng Zion Eye Massagers, Zion Deluxe Massage Chairs, at isang MG Car. Bukod sa raffle prizes, nag-enjoy din ang mga attendees sa mga fun games na inihanda para sa mga bisita.
Pinasigla pa ang event sa performances nina kay Arci Muñoz at Paulo Avelino. Parehong nagbahagi nina Arci at Paolo kung paano natulungan sila ng Brilliant Medical Group sa kanilang acne problems at kung paano nila nakuha ang no-pore look sa tulong ng Brilliant Skin at ni Miss Glenda.
“I really appreciate you, Glenda. Thank you so much for inviting me to be part of your family, this wonderful group, and your empire. Thank you so much… Brilliant Skin lang ang naka-help sa acne problem ko.” sabi ni Arci.
Dagdag ni Paulo, “Wala po akong masyadong alam pero nung pumunta po ako (Brilliant Medical Group) sabi ko, ‘Doc Ikaw na pong bahala. So may mga favorite po ako, ‘yong hydrafacial, and of course there’s this new laser na ginagamit nila to lighten the pigments of your skin, which is very good bilang prone rin ako sa acne.
Isa sa mga highlights ng event ay ang grand launch ng beauty drink na Hello Melo Drink. Umakyat sa stage si Kim Chiu para mag-perform at opisyal na pumirma ng kontrata bilang endorser ng nasabing brand.
Ibinahagi niya ang kanyang excitement, “I am very excited for this collaboration. Tsaka syempre more collagen, mas babata talaga tayo kasi nga sabi sa study nawawalan ka ng 1% collagen every year, kaya nagmumukha kang matanda but with the help of Hello Melo, lahat tayo babata.”
Nagkaroon din ng Q&A session and media kasama si Kim kung saan pinag-usapan ang kanyang bagong role bilang endorser at ang mga benefits ng Hello Melo Drink.
“Pag masaya ka sa buhay mo magrereflect din yan sa mukha mo na maaliwalas, mukhang masaya ka, mukhang maganda ka kasi di mo pinoproblema ‘yong problemang di mo kailangang problemahin. So just live in the moment, mabuhay ka lang. Gawin mo lang ano magpapasaya sa ‘yo at kung ano ‘yong magpapaganda sa ‘yo.” sabi ni Kim.
Happy ang lead star ng ‘What’s Wrong with Secretary Kim’ na magkasama sila ni Paulo bilang endorsers ng Brilliant Skin at ipapatikim daw niya ang Hello Melo sa ka-partner at sinasabing special guy sa kanya.
Samantala, may inamin ni Ms. Glenda na bago ang pagpirma ng kontrata ni Kim, “before this launching, nag-message na ako sa manager niya, nag-inquire na ako ng renewal of contract, sabi ko talaga, hindi ko na pakakawalan ’to!”
Kaya ang naging reaksiyon ni Kim ay, “sabi ko madam, first time ko na-experience na ilo-launch pa lang ako, may nag-i-inquire na ng renewal.  Iba talaga ang Brilliant Skin.”
Isang mahalagang bahagi ng event ay ang ikatlong contract signing sa araw na iyon with iFuel.
Dumalo ang halos 1,200 attendees, kasama ang franchisees at distributors mula Luzon, Visayas, at Mindanao. Dinagdagan pa ang excitement ng event sa pagdating ng aktor na si Daniel Matsunaga.
Nagtapos ang event sa closing remarks mula kay Miss Shed P. Garcia, COO, na nagsabing, “Dami nating attendees, I can’t imagine na magagawa to ni Brilliant na sobrang short notice lang. And sabi nga ni Miss Glenda, grateful siya kasi kahit short notice pinupuntahan talaga nila ‘yong event ni Brilliant.”
(ROHN ROMULO)


Other News
  • JANINE, mana lang kay PILITA ‘pag natuloy na maging ‘Valentina’

    SA ginanap na virtual mediacon ng Dreamscape Entertainment para kay Janine Gutierrez, natanong ang newest Kapamilya actress tungkol sa bali-balitang pagganap niya bilang Millennial Valentina na magiging kontrabida ni Jane de Leon na tuloy na tuloy ang paglipad sa Darna TV Series.     Sagot ni Janine, “It’s so interesting for me, kasi, of course, […]

  • “SHAZAM” FIGHTS FOR THE WORLD IN “FURY OF THE GODS” TRAILER

    FRESH from the San Diego Comic Con, check out the official trailer for “Shazam! Fury of the Gods” – in cinemas across the Philippines January 8, 2023.     YouTube: https://youtu.be/6WCxvXNYVSA   Facebook: https://fb.watch/erWsg6auN2/   About “Shazam! Fury of the Gods”     From New Line Cinema comes “Shazam! Fury of the Gods,” which continues the story of […]

  • JULIA, hiyang-hiya sa titulong ‘Princess Royalty of the Century’ dahil sa pressure at mataas ang expectation

    ‘DRAMA ang ibinigay na title ng Viva Films si Julia Barretto.     Nahiya daw si Julia sa title na ibinigay sa kanya.     Well, dapat lang naman siyang mahiya kasi hindi siya deserving of such tag.  Maski si Julia ay batid na masyadong mataas ang expectation na nakakabit sa nasabing tag.     […]