Mt. Kanlaon, sumabog; 5000-meter plume, naitala – Phivolcs
- Published on June 5, 2024
- by @peoplesbalita
NAGLABAS ng alerto ang Mt. Kanlaon na matatagpuan sa Negros Island.
Sa ongoing eruption at Kanlaon Volcano, nakita ang nalikhang 5,000-meter plume.
Ayon sa Phivolcs, tumagal ng anim na minuto ang pagsabog bandang 6:51 ng gabi na sinundan ng malalakas na volcanic-tectonic earthquake.
Dahil dito, nananatili ang Alert Level 1 sa bulkan at sa paligid nito.
Pinapayuhan ang publiko na lumayo sa mga lugar na maaaring bagsakan ng abo mula sa pagsabog ng bulkan.
Ang Kanlaon, na kilala rin bilang bundok Kanlaon at bulkang Kanlaon, ay isang aktibong stratovolcano at ang pinakamataas na bundok sa isla ng Negros.
Gayundin ang pinakamataas na tuktok sa Visayas, na may taas na 2,465 metro above sea level.
Ang Mount Kanlaon ay ika-42 sa pinakamataas na peak ng isang isla sa mundo. (Daris Jose)
-
John 3:16
God gave his only son.
-
RURU, nag-decide na mag-focus muna sa ibang mga bagay dahil matagal ding nahinto ang lock-in taping
MAGBABALIK na simula ngayon (January 17), ang highly-anticipated drama na sinubaybayan last year, ang Prima Donnas sa GMA Afternoon Prime. Pangungunahan pa rin ng tatlong Donnas, si Donna Marie (Jillian Ward), Donna Belle (Althea Ablan) at Donna Lyn (Sofia Pablo), as the heiresses of the Claveria family. Kaabang-abang ang mga pagbabago […]
-
Pag-imprenta ng balota para sa barangay at Sangguniang Kabataan elections, uumpisahan na
NAKATAKDA nang umpisahan ng Commission on Elections (Comelec) ngayong araw, September 20 ang pag-imprenta ng official ballots para sa isasagawang barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa buwan ng Disyembre. Ayon kay Comelec chairperson George Garcia, ang isang buwang schedule para sa printing job ay dapat na raw matapos sa October 20 kahit […]