“Pogi” nagbigti sa footbridge sa Caloocan
- Published on June 5, 2024
- by @peoplesbalita
WALA ng buhay nang matagpuan ang isang palaboy na lalaki matapos umanong magbigti sa ilalim ng isang footbridge sa Caloocan City.
Inilarawan ng pulisya ang biktimang si alyas “Pogi”, ayon sa bansag sa kanya ng kanyang mga kapwa palaboy na nasa edad 40 hanggang 50, nakasuot ng pulang t-shirt, short pants at pulang tsinelas.
Sa ulat nina P/SSg. Nino Nazareno Paguiringan at P/SSg. Rodolfo King Bautista kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, alas-7:20 ng umaga nang makita ang nakabiting bangkay ng biktima sa ilalim ng footbridge sa kanto ng EDSA at A. De Jesust St. na may nakapulupot na kable sa kanyang leeg.
Unang sinisi umano ng ilang mga netizen ang sala-salabat na kable ng telcos sa lugar na posible umanong pumulupot sa leeg ng biktima na naging sanhi ng kanyang kamatayan.
Gayunman, lumutang ang 68-anyos at 41-anyos na kasamahang palaboy ng biktima at nagpahayag sa pulisya na pagpatiwakal umano ang biktima na sanhi ng kamatayan nito kung kaya wala umanong kinalaman ang mga sala-salabat na kable o ang “spaghetti” wire sa kanyang pagkamatay.
Sa pahayag ng mga testigo sa pulisya, napansin na nila ang panginginig ng katawan ng biktima at hindi mapakali bunga ng depresyon bago matuklasan ang kanyang bangkay.
Patuloy namang hinahanap ng pulisya ang pinakamalapit na kaanak ng biktima para sa kanyang pagkakakilanlan. (Richard Mesa)
-
DECEMBER 22 OPENING NG NBA, LUMABO; PLAYERS ‘DI PUMAYAG
BILANG tugon sa proposed NBA 72-game schedule na target ng liga para sa 2020-21 regular season, kasama na rito ang pagsisimula sa Dec. 22, isiniwalat ni National Basketball Players Association (NBPA) executive director Michele Roberts na karamihan sa manlalaro ay kumontra sa plano. Ayon kay Roberts, nire-review nila nang husto ang pro- posal at […]
-
Bentahan ng PNP uniforms, hihigpitan
PINAHIHIGPITAN ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. ang bentahan ng mga police uniforms kasunod ng pamamaslang kay Aparri, Cagayan Vice Mayor Rommel Alameda at sa limang escorts nito ng anim na kalalakihan na nakasuot ng PNP uniform, nitong Linggo. Ayon kay Azurin, bukod sa rehistrado ang mga outlet ng police […]
-
Pamimigay ng relief goods sa mga biktima ng bagyo sa Bulacan, patuloy
LUNGSOD NG MALOLOS- Tuluy-tuloy ang pamamahagi ng relief goods at iba pang ayuda sa pangunguna ni Gob. Daniel R. Fernando sa mga bayan at lungsod na nasalanta ng mga nagdaang bagyo sa lalawigan. Nitong Disyembre 11, may kabuuang 150,489 na pamilya na ang napagkalooban ng food packs na naglalaman ng bigas, delata at instant na kape na nagsimula noong […]