Pamimigay ng relief goods sa mga biktima ng bagyo sa Bulacan, patuloy
- Published on December 17, 2020
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS- Tuluy-tuloy ang pamamahagi ng relief goods at iba pang ayuda sa pangunguna ni Gob. Daniel R. Fernando sa mga bayan at lungsod na nasalanta ng mga nagdaang bagyo sa lalawigan.
Nitong Disyembre 11, may kabuuang 150,489 na pamilya na ang napagkalooban ng food packs na naglalaman ng bigas, delata at instant na kape na nagsimula noong Oktubre 30, 2020.
Ayon sa gobernador, bukod sa mga ito ay nakatanggap din ang mga Bulakenyo ng ayuda at relief goods mula sa mga pribadong sektor at nasyunal na mga ahensya.
“We are still repacking and we will continue sending assistance sa lahat ng nasalanta ng bagyo. Dalangin natin na wala nang malalakas na bagyo pang dumating na pipinsala pa sa mga bahay, buhay at kabuhayan natin, at sa darating na Kapaskuhan ay matagpuan natin ang kapayapaan ng puso, mahanap pa rin natin ang kaligayahan sa gitna ng mga dinaranas natin ngayon,” ani Fernando.
Sinabi naman ni Provincial Social Welfare and Development Officer Rowena Joson-Tiongson na ang nakatatatanggap ng ayuda ay ang mga naapektuhan ng mga bagyong Pepito, Quinta, Rolly at Ulysses.
Kabilang sa mga benepisyaryo ang 19,899 na pamilya mula sa Calumpit, 10,331 pamilya mula sa San Miguel, 14,413 mula sa Balagtas, 25,330 mula sa Bocaue, 21,162 mula sa Hagonoy, 12,032 mula sa Paombong, 23,748 mula sa Lungsod ng Malolos, 10,580 mula sa Bulakan, 2,393 mula sa Bustos, 1,131 mula sa San Ildefonso at 9,470 pamilya mula sa Marilao. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Mapapanood na Viva One sa 80 countries: AKIHIRO at MARY JOY, nagpakilig at nagpaiyak sa ’The Last 12 Days’
TUWANG-TUWA at nagpapasalamat ang owner ng Blade Auto Center na si Robert S. Tan sa matagumpay na world premiere ng ’The Last 12 Days’ na ginanap sa Cinema 1 ng Ayala Malls Manila Bay. Showing na nga ito sa 80 countries sa pamamagitan ng Viva One. Sa kanyang FB post […]
-
Ads December 4, 2020
-
Large-scale water impounding facilities sa Bicol, ipinanukala
Appropriations Committee Chairman at Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co ang pagpapatayo ng large-scale water impounding facilities sa buong Bicol Region. Naniniwala ang mambabatas na ang pagpapatayo ng water impounding facilities ay hindi lamanang makakatulong para mabawasan ang mga pagbaha kundi maging sa mapagkukuhanan ng tubig kapag sa panahon ng tag init. […]