• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Lahar’ posibleng umagos uli sa Negros Island buhat ng matinding ulan — Phivolcs

NAGBABALA ang state volcanologists tungkol sa muling pag-agos ng “volcanic sediment flows” o lahar buhat ng mga tinatayang pag-ulan ngayon sa Negros Island, ito ilang araw matapos ang pagsabog ng Bulkang Kanlaon.

 

 

 

Ito ang ibinahagi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolca) ngayong Huwebes ngayong tinataya ng PAGASA ang ilang thunderstorms sa isla ngayong araw.

 

 

“These rains could generate lahars, muddy streamflows or muddy run-off in the above-mentioned and other rivers draining the southern Kanlaon edifice,” ayon sa isang pahayag ng PAGASA kanina.

 

 

Kabilang na rito ang mga sumusunod:

Tamburong Creek

Intiguiwan River at upstreaam Baji-Baji Falls

Padudusan Falls

Binalbagan River

 

 

Una nang kumalat sa social media ang mga video at litrato ng mga nabanggit.

 

 

“The lahars were generally channel-confined, but flows along Tamburong Creek overflowed and dumped a few centimeters of deposit on a stretch of the main road in Biak-na-Bato, rendering this impassable to motorists,” wika ng Phivolcs.

 

 

Payo ng mga dalubhasa ang maging mapagmatyag at handa ng mga komunidad lalo na sa paligid ng mga ilog na nagde-drain sa katimugan ng Kanlaon.

 

 

Inaabisuhan din sa ngayon ang mga naturang komunidad na patuloy bantayan ang lagay ng panahon at magsagawa ng karampatang aksyon kung saka-sakaling tamaan ng lahar.

 

 

Naitala ng Phivolcs ang sumusunod sa nakaraang 24 oras sa paligid ng naturang bulkan:

 

volcanic earthquakes: 27

sulfur dioxide flux: 3464 tonelada / araw

plume: 1500 metrong taas; malakas pagsingaw; napadpad sa hilagang-kanluran,timog-silangan at timog-kanluran

ground deformation: pamamaga ng bulkan

 

 

Ipinaalalang uli ng state volcanologists na bawal pa rin ang pagpasok sa apat na kilometrong (4 km) radius permanent danger zone o PDZ at paglipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan.

 

 

Babala pa ng Phivolcs, nariyan pa rin ang baanta ng mga biglaang pagputok ng steam o phreatic explosions lalo na’t nasa Alert Level 2 pa rin ang Kanlaon.

 

 

Umabot na sa 2,400 residente ang naapektuhan ng pagsabog ng bulkan nitong Lunes, dahilan para mapalikas ang 1,669 katao ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council. (Daris Jose)

Other News
  • Medvedev naungusan si Federer sa ATP ranking

    NAUNGUSAN na ni Daniil Medvedev si tennis star Roger Federer sa world ranking ng inilabas ng Association of Tennis Professionals (ATP).   Sa pinakahuling ranking ay nasa pang-apat na puwesto na ngayon ang Russian tennis star habang nasa pang-limang puwesto ang Swiss tennis star na si Federer.   Isang naging susi para umangat ang puwesto […]

  • 5th All Asia Cup 2020: Pilak, nasungkit ng GP-PH

    PALABANG nakakopo ng silver medal ang GlobalPort-Philippine team sa 5th All Asia Cup 2020 na nitong Pebrero 2-9 sa VS Sports Club & Siam Polo Park sa Preng, Thailand.   Nabigo man sa host team sa gold medal game sa anim na koponang torneo, kuntento naman si Philippine National Federation of Polo Players (PNFPP) founding […]

  • Nominasyon para sa mga mahuhusay na barangay, lingkod barangay sa Bulacan, simula na

    SIMULA na ng nominasyon para sa mga natatanging barangay at lingkod barangay sa Bulacan para sa nalalapit na pagsasagawa ng ika-21 Gawad Galing Barangay (GGB) sa Disyembre 2022.     Ang Gawad Galing Barangay (GGB) ay isang proyekto sa ilalim ng programang Bulacan Awards Program for Barangay Innovation and Excellence (BAPBIE) na inilunsad ng Pamahalaang […]