3 HULI SA AKTONG NAGSA-SHABU
- Published on August 28, 2020
- by @peoplesbalita
KULONG ang tatlong sangkot umano sa illegal na droga kabilang ang isang bebot matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot ng shabu sa Caloocan city.
Kinilala ni Caloocan police chief Col. Dario Menor ang naarestong mga suspek na si Pibrico Lunday, 27, Jeffrey Milanes, 37, at Khim Claire Vergara, 20, pawang ng East Libis St. Brgy. 160 ng lungsod.
Alas-4:15 ng madaling araw nang respondehan ng mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 6 sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Capt. Brian Ramirez ang tawag sa telepono mula sa isang concerned citizen hinggil sa nagaganap umanong pot-session sa Blk 4 East Libis St. Brgy. 160.
Pagdating sa lugar, nakita ng mga pulis ang mga suspek na sumisinghot ng shabu subalit, nang mapansin ng tatlo ang pagdating ng mga parak ay tinangka ng mga ito na tumakas.
Gayunman, nagawang silang maaresto nina PCpl Sherol De Vera at PCpl Joseph Suriaga kung saan nakumpiska sa kanila ang aabot sa 18.7 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P120,000 ang halaga at drug paraphernalias.
Kakasuhan ng pulisya ang mga suspek ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Caloocan City Prosecutors Office. (Richard Mesa)
-
CHR, pinanindigan ang kahalagahan ng due process at rule of law
BINIGYANG-DIIN ng Commission on Human Rights (CHR) na kailangang manatiling pinakamahalaga sa lahat ang “due process at rule of law” upang matiyak ang pananagutan mula sa national police. Ito’y matapos na sabihin ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na barilin ang lahat ng mga pulis na mapapatunayang sangkot sa ilegal na droga. […]
-
3 dalaga nalambat sa P1.1 milyon shabu sa Navotas
UMABOT sa mahigit P1.1 milyon halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa tatlong dalaga na umano’y sangkot sa illegal na droga matapos malambat sa buy bust operation sa Navotas City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang mga naarestong suspek na sina Kyla Marie Legaspi, […]
-
Obiena flag-bearer sa Vietnam SEAG
SI WORLD No. 5 pole vaulter Ernest John Obiena ang tatayong flag-bearer ng Team Philippines sa opening ceremony ng 31st Southeast Asian Games sa MNy Dinh National Stadium sa Hanoi, Vietnam. Hindi pinayagan ng Vietnam ang pagkakaroon ng Pinas ng dalawang flag-bearers sa katauhan nina Obiena at Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz. […]