CASH FOR WORK DINUMOG NG APLIKANTE
- Published on August 28, 2020
- by @peoplesbalita
DUMAGSA sa harap ng Comelec Navotas Office ang mga Navoteñong mag-aaplay sa cash for work program ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas.
Ito’y sa kagustuhan ng mga aplikante na matanggap sila sa naturang programa ng lungsod para sa karagdagang kita ngayong panahon ng pandemya.
Nasa 1,500 jeepney drivers at maralitang residente ang kukunin para sa Cash for Work program ng DSWD.
Ang mga cash for work beneficiaries ay maglilinis sa mga barangay, magtatanim at iba magsasagawa ng iba pang aktibidad para maibsan ang epekto ng climate change. Sila ay tatanggap ng P4,050 matapos ang 10 araw ng trabaho.
Maaari lamang mag-apply ang mga Navoteño na edad 22–59, maliban sa mga buntis, hanggang Agosto 28.
“Many lost their jobs due to business closure or downsizing. That is why we look for ways to lessen the impact of the crisis in our city and on our people,” pahayag ni Mayor Toby Tiangco.
Samantala, personal na namahagi si Navotas Cong. John Rey Tiangco ng 350 smart phones sa DepEd Division of City Schools, Navotas bilang suporta sa kanilang SOS o Support Our Students Program.
Ang SOS ay isang tawag ng bayanihan para mapunan ang mga pangangailangan sa distance learning ng ating mga K to 12 learners sa ating lungsod.
“Ano mang kabutihang loob na inyong maipagkakaloob ay malaking tulong po sa kabataan ng Navotas. Sa mga nais magpaabot ng suporta, makipag-ugnay po lamang kayo sa DepEd Division of City Schools ng Navotas”, panawagan ni Cong. Tiangco. (Richard Mesa)
-
Top 1 most wanted person ng NPD, nalambat ng Navotas police
ISANG lalaki na itinuturing bilang top 1 most wanted person ng Northern Police District (NPD) ang nalambat ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Navotas City, kamakalawa ng hapon. Ayon kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa kinaroroonan ng akusadong si alyas “Ricky”, 51, residente ng lungsod. […]
-
‘Man in black’ sa CCTV footage ng Jolo shooting, iniimbestigahan na ng NBI
Kwestiyonable ngayon ang nasaksihan sa CCTV footage na umano’y may ‘man in black’ na gumalaw sa katawan ng isang sundalong napatay sa pamamaril sa Jolo, Sulu. Sa ulat, iniimbestigahan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang naturang CCTV footage ng insidente. Makikita sa video ang lalaking nakaitim na nakasuot ng sumblero na […]
-
Pinoy, binitay dahil sa kasong pagpatay sa Saudi Arabia —DFA
ISANG Filipino sa Kingdom of Saudi Arabia ang binitay dahil sa kasong pagpatay sa isang Saudi national. Sa isang mensahe, sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo de Vega na ginawa na lahat ng departamento ang magagawa nito hinggil sa kaso ng akusadong Filipino kabilang na ang pagpapadala ng presidential letter of […]