Babaeng nagsasayaw sa kaarawan ng isang opisyal ng PHILHEALTH sa Region 4-B, iimbestigahan
- Published on August 28, 2020
- by @peoplesbalita
IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa Task Force kung anong legal na hakbang ang dapat ikasa hinggil sa lumabas na video ng isang babaeng sumasayaw na naka- under wear lang sa birthday party ni PhilHealth Regional Vice Presidente Region 4-B Paolo Johann Perez.
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque bahala na ang Task Force na pinabuo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Justice Secretary Menardo Guevarra kung anong asunto ang dapat isampa at kung sino ang dapat idemanda.
Ang task force na binuo ni Sec. Guevarra ang siyang mangunguna sa imbestigasyon sa mga anomalya sa PhilHealth.
Ang mga miyembro ng task force ay ang Office of the Ombudsman, Commission on Audit, Civil Service Commission, Office of the Executive Secretary, Palace Undersecretary Melchor Quitain, at ang Presidential Anti-Corruption Commission.
Sinabi ni Sec. Roque na saklaw ng trabaho ng Task Force ang pagsilip sa insidente na una na ring nasilip ng Senado.
“Alam ninyo po, ang Palasyo naman po ay mayroon na pong task force na binuo at we will be guided by the findings of the task force.
At mayroon naman pong investigation conducted by the Senate as a whole. Iyong mga ebidensiyang nakalap po doon ay tinitingnan din po ng Palasyo. So, pinauubaya na po muna for the time being ng Palasyo sa task force na binuo mismo ng Presidente kung anong mga kaso na dapat isampa at kung sino ang dapat idemenda,” ayon kay Sec. Roque.
Makikita sa video na nakaupo sa office chair at napapalibutan ng mga kasamahan nito ang opisyal, habang sinasayawan ng isang babae.
Kaugnay nito’y una na umanong iginiit ni Perez na pinigilan niya ang programa at sa halip ay sinabihan ang kanyang mga staff na kumain na lamang. (Daris Jose)
-
Gilas roster, malakas ang laban – coach
Malaki ang tiwala ng coaching staff ng Philippine men’s basketball team na may ibubuga ang isasabak nilang line-up kontra sa Indonesia para sa kanilang laro sa unang window ng FIBA Asia Cup qualifiers. Ayon kay Gilas Pilipinas interim coach Mark Dickel, hindi raw naging madali ang pagpili sa komposisyon ng team dahil marami silang […]
-
Ravena, ‘Pinas olats sa NZ
NAWALANG saysay ang tikas nina Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III at Dwight Ramos nang tambakan ang Gilas Pilipinas ng New Zealand Tall Blacks, 88-63, sa 2023 International Basketball Federation World Cup Asian Qualifiers sa Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City Linggo ng gabi. Lumamang lang ang host Philippine quintet sa 5-4 sa opening period, […]
-
Suns inilampaso ang Wizards, napantayan ang Warriors bilang top team sa record wins
Inilampaso ng Phoenix Suns ang Washington Wizards, 118-98. Dinomina ang Suns players ang laro sa pangunguna nina Deandre Ayton, JavVale McGee at Chris Paul upang itala ang kanilang ika-23 panalo. Dahil dito napantayan na ng Suns ang Warriors sa pagiging top team ngayon sa NBA. Mula noong Oct. 27 […]