• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ngayong isa na sa board member ng PCSO: IMELDA, isang linggong serbisyo ang handog sa mga nangangailangan

NAIS ni Imelda Papin, ang newly appointed acting member of the Board of Directors ng PCSO o Philippine Charity Sweepstakes Office, na palawigin ang operasyon ng ahensa tuwing weekend.

 

Ayon sa naging pahayag ng Asia’s Sentimental Songstress, “Although, I already announced it after the oath-taking, yung aking gustong ipaabot sa board at maaprubahan itong isang linggong serbisyo.”

 

Dagdag pa ni Imelda, gusto raw niyang mapalawak ang tulong medikal ng ahensya sa mas maraming tao.

 

“Ang ibig ko po sabihin dito, since ang ating trabaho ay magmula Lunes hanggang Biyernes, dadagdagan natin ng Sabado hanggang Linggo yung po ang ating gagawin.

 

“So parang walang tulugan, talagang trabaho ang gagawin natin,” sabi pa niya na bagay na bagay sa dahil sa kanta niya na ‘Isang Linggong Pag-ibig’.

 

Matatandaan na two months ago ay natanong na si Imelda, kung totoong siya ang itatalagang chairperson ng PCSO.

 

Kapansin-pansin kasi ang tarpaulins ng PCSO sa premiere night ng pelikula niyang Imelda Papin: The Untold Story na ginanap sa SM MOA last April 7, 2024.

 

Kahit ayaw niya, ay napilitan siya na sagutin ito…

 

“Umuugong po ang balita na ako po’y ilalagay sa PCSO. Pero, may nagsabi po kasi sa akin na, ‘Hintay-hintay ka lang!’

 

“Kung ako po’y mailalagay sa PCSO, e, di salamat sa Diyos makakatulong ako lalo sa mga nangangailangan. Maghintay lang daw nang konti,” pahayag pa niya.

 

At ito nga at naganap na ang oath-taking ceremony noong Martes, June 4, at magsisimula na siyang mag-opisina sa Lunes, June 10.

 

Ayon kay Imelda, nabanggit na raw kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kanyang ideya na palawigin ang serbisyo ng naturang government agency.

 

“We’ll see to it that we’ll be going around the Philippines at talagang alamin natin, siguro makakatulong ako ng malaki. Dahil, siyempre, I’ve been serving my province for the past nine years,” dagdag pa niya at inamin niya na last year pa nabanggit ng presidente ang tungkol sa PCSO.

 

“We’ll see to it that we have to act fast and reach out to so many recipients as possible. Our focus will be on health, because health is wealth.”

 

Tinitignan din niya ang iba pang health-related programs tulad ng mga caravan at medical missions.

 

Hinihikayat din ni Imelda na ipagpatuloy na tumaya sa Lotto, at isipin na hindi ito sugal, dahil ang bawat itataya ay malaki ang maitutulong sa mga nangangailangan.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • ICF magdiriwang ng 100 anniversary sa Palawan

    IDARAOS ang Internatio­nal Canoe Federation (ICF) World Dragon Boat Championships mula Oktubre 27 hanggang Nobyembre 4 sa Puerto Princesa, Palawan.     Kasabay nito ang centennial anniversary ng ICF kaya’t doble ang selebras­yon para rito.     “As the president of the Philippine Canoe Kayak Federation, it is both an honor and a humbling responsibility […]

  • MAVY at KYLINE, kinakiligan ng netizens ang photos na kuha sa lock-in taping

    KINILIG ang netizens sa mga photos na lumabas nila Mavy Legaspi at Kyline Alcantara habang nasa lock-in taping sila ng I Left My Heart In Sorsogon.     Nakunan ng video ang eksena nila Mavy at Kyline habang naglalakad sila sa isang beach resort sa Sorsogon.     Kitang-kita ang kilig ng dalawa habang binibigyan […]

  • Dating DFA Sec. Romulo, pumanaw na

    PUMANAW na si dating ambassador at Department of Foreign Affairs (DFA) secretary Roberto ” Bobby” Romulo, araw ng Linggo, Enero 23 sa edad 83.     Kinumpirma ito mismo ng kanyang pamangkin na si Department of Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat.     Si dating DFA Sec. Romulo ay anak ng namayapang statesmans at United Nations […]