• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, pinayuhan ng doktor na iwasan na ang pag-inom ng alak

PINAYUHAN si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng kanyang doktor na iwasan na ang pag-iinom ng alak.

 

Ito ayon sa Pangulo ay dahil malapit na di umano sa Stage 1 cancer ang kasalukuyan niyang Barrett’s esophagus.

 

Magugunitang, una nang sinabi noon ng Chief Executive, 75 taong gulang sa kaniyang mga nakaraang talumpati na mayroon siyang myasthenia gravis, Buerger’s disease, acid reflux, Barrett’s esophagus at spinal issues.

 

“Matagal na kami sa gobyerno, magpa-retire na lang, bakit pa namin pagsayangan? Kakaunting panahon na lang ang naiwan so walang — walang — walang ganang — wala nang ganang kumain,” ayon sa Pangulo.

 

“May pera ka naman, hindi ka na makakain kay sabi ng doktor huwag kang kumain ng taba kasi mamatay ka. Ikaw Duterte, huwag ka nang uminom kasi ‘yang Barrett mo nearing Stage 1 ka sa cancer. So hindi na rin,” aniya pa rin.

 

Bukod aniya sa kanya ay may miyembro rin siya ng gabinete ang may sakit.

 

“Si Bebot ‘yung paa ewan ko kung puputulin ‘yan o hindi. Puro na may sakit so what do we get if we…? T*** i***** ‘yan. Wala na.

Ang amin, ang iwan na lang ang trabaho. Kasi pagharap namin sa Diyos and tanungin ka na, “O ikaw Rodrigo, anong ginawa mo?” Sabi ko, “Ginawa ko man lahat. Ito man si Dominguez ang walang pera.” Totoo. Eh saan ‘yang pera? Eh naubos na niya, inutang na niya lahat eh, wala nang magpautang. Si Lorenzana, ah wala ‘yan. Kung bala pati armas may maibigay ‘yan pero medisina kailangan pera, cold cash talaga ‘yan,” lahad nito.

 

Kamakailan lamang ay sinabi ni  Presidential Spokesperson Harry Roque na mabuti  ang kalagayan ng Pangulo ngayon kahit marami sa miyembro ng kanyang gabinete ang naging positibo sa Covid- 19.

 

Itinanggi rin ni Sec. Roque ang kumalat kamakailan lang na mga balitang lumipad ang Pangulo patungong Singapore para sa isang emergency treatment.

 

Kaugnay nito ay may ilang petisyon na ang naihain  sa Korte Suprema para maisapubliko ang medical records ng Pangulo para malaman kung nasa tamang kondisyon ba siya para pamunuan ang bansa, pero hindi ito kinakatigan ng mataas na hukuman dahil umano sa kawalan ng matibay na basehan. (Daris Jose)

Other News
  • Biglaan lang ang nangyari nang sila’y magkabalikan: KRISTOFFER, inamin na wala pa sa isipan na pakasalan ang longtime gf na si AC

    INAMIN ni Kristoffer Martin na wala pa sa isipan niya ang magpakasal sa kanyang longtime girlfriend na si AC Banzon.     Pero dahil sa naging balikan nila, ayaw na raw niyang maghiwalay sila kaya naganap ang isang civil wedding noong nakaraang February 3.     “Kami ni AC, we’ve been together for eight years […]

  • PDu30, binanggit ang tagumpay ng Pilipinas laban sa China hinggil sa agawan ng teritoryo sa South China Sea

    TINUKOY ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang tagumpay ng Pilipinas laban sa China sa agawan ng teritoryo sa South China Sea.   Sa kanyang naging talumpati sa United Nations General Assembly, sinabi ng Pangulo na hindi pinapayagan at hindi tinatanggap ng Pilipinas ang anumang pagtatangka na sisira sa July 2016 ruling ng Permanent Court of […]

  • TOM at ZENDAYA, nadi-date na at nahuling naghahalikan sa loob ng kotse kaya nag-trending ang #Tomdaya

    NAG-TRENDING sa social media ang #Tomdaya dahil sa pagkumpirmang nagde-date na ang Spider-Man star na si Tom Holland at ang co-star niya na si Zendaya.     Namataan sina Tom at Zendaya na naghahalikan sa loob ng Audi sports car sa Los Angeles. Ang photographer na nakakuha ng photo ay natiyempuhan ng laplapan ng dalawa […]