• May 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

TOM at ZENDAYA, nadi-date na at nahuling naghahalikan sa loob ng kotse kaya nag-trending ang #Tomdaya

NAG-TRENDING sa social media ang #Tomdaya dahil sa pagkumpirmang nagde-date na ang Spider-Man star na si Tom Holland at ang co-star niya na si Zendaya.

 

 

Namataan sina Tom at Zendaya na naghahalikan sa loob ng Audi sports car sa Los Angeles. Ang photographer na nakakuha ng photo ay natiyempuhan ng laplapan ng dalawa habang naka-stop sila sa red light sa Silver Lake neighborhood kunsaan nakatira ang mother ni Zendaya.

 

 

Nakita rin na lumabas ng bahay nila si Zendaya kasama si Tom. No makeup si Zendaya at suot ay white crop top and turquoise jeans. Si Tom naman ay suot ang “Captain America: Civil War” white T-shirt, blue flannel shirt, black shorts and white sneakers.

 

 

Simula noong magkasama sa 2017 Marvel film na Spider-Man: Homecoming sina Tom at Zendaya, nabalita na sikreto silang nagde-date.

 

 

“They’ve been super careful to keep it private and out of the public eye, but they’ve gone on vacations with each other and try and spend as much time as possible with one another,” sey ng source ng People magazine.

 

 

Panay ang deny ng dalawa sa rumor na iyon dahil may girlfriend that time si Tom na nagngangalang Olivia Bolton. Si Zendaya naman ay dine-date noon ang co-star niya sa HBO series na Euphoria, ang Australian actor na si Jacob Elordi.

 

 

Pero nag-break na raw sina Tom at Olivia noong April 2020. Si Zendaya naman ay break na rin kay Jacob since March 2020.

 

 

Katatapos lang i-shoot ng Tomdaya ang third Spider-Man movie na Spider-Man: No Way Home na may playdate na sa December 2021.

 

 

     ***

 

 

SA mga hindi nakakaalam, ang kauna-unahang ka-loveteam si Bea Alonzo ay si Kapuso Drama King Dennis Trillo.

 

 

Pinagtambal sila noon sa teen series na K2BU noong 2002 sa ABS-CBN. Kaka-launch lang noon ng Star Circle Batch 10 kunsaan kabilang sina Bea at Dennis.

 

 

Ka-batch din nila ang mga naging Kapuso din na sina Alfred Vargas, Nadine Samonte, TJ Trinidad,at Karel Marquez.

 

 

Sey ni Bea: “Ito trivia, ang first love team ko ay si Dennis Trillo. Siyempre mga bagets pa kami nu’n kasi ka-batch ko siya when we were launched.

 

 

This time, gusto ko siyang makatrabaho now that we’re mature and we’re adults, and napapanood ko rin siya dati sa teleseryes niya.”

 

 

Bukod kina Dennis, gusto rin makatratabaho ni Bea ang girlfriend nitong si Jennylyn Mercado. Pati na sina Dingdong Dantes, Marian Rivera, Lovi Poe at Solenn Heusaff.

 

 

“Even the younger ones, like sina Gabbi (Garcia), sina Julie Anne (San Jose), si Ruru (Madrid), I look forward to working with all of them,” dagdag ni Bea.

 

 

Hindi lang daw teleserye ang nais niyang gawin sa bago niyang tahanan sa GMA: “To be honest, I am ready to chase more dreams, not only with acting, and this time I feel like I want to discover more about myself, say I would like to explore the idea of probably having a talk show, or like appearing on say, sitcoms.”

 

 

***

 

 

NAGING emosyonal si Kapuso actress Jasmine Curtis-Smith matapos mapanood ang surprise video message mu     la sa kaniyang Mommy Carmen na naka-base ngayon sa Australia.

 

 

Parte ito ng naganap na FunCon na inorganisa ng GMA Pinoy TV nitong June 30. Nakasama ni Jasmine rito ang kaniyang co-stars na sina Alden Richards at Tom Rodriguez ng highly-anticipated primetime series na The World Between Us.

 

 

“I miss my mom so much. We haven’t spoken kasi in like two weeks so thank you for that surprise. Like it’s making everything so worth it and I miss her so much.”

 

 

Sa naturang video message ay inila rawan ni Mommy Carmen ang anak na si Jasmine, “Very friendly siya and very loving daughter, ganyan, [and] mahilig siya kumain ng Pinoy food – beef steak, adobo, ganun.”

 

 

Dagdag pa ng kaniyang ina, “Keep smiling and ‘wag kang masyadong mag-isip sa ngayon dahil I know that you’re always worried na hindi tayo nagkikita but I always love you.”

 

 

Samantala, makakasama rin nila sa serye sina Dina Bonnevie, Jaclyn Jose, Sid Lucero, Kelley Day, at Yana Asistio. 

 

 

‘Wag palagpasin ang world premiere ng The World Between Us ngayong gabi (July 5) na sa GMA-7 at GMA Pinoy TV.

(RUEL MENDOZA)

Other News
  • Pagkuha ng booster shots iligal – Sec. Galvez

    Muling binigyang-diin ni National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer at vaccine czar Secretary Carlito G. Galvez, Jr. na iligal at mahigpit na ipinagbabawal ang pagkuha ng booster shots sa bansa gamit ang Covid-19 vaccines na binili ng national government lalo na at nasa 10 percent pa lamang sa buong populasyon ng Pilipinas ang fully […]

  • PFL team sisipa na sa ensayo

    MAY tatlong Philippine Football League (PFL) team ang magbabalik-praktis na bilang unang hakbang ng liga para sa nalalapit na pagbubukas ng ikaapat na edisyon sa taong ito.   Ang grupo na mga atat nang mag-training camp ayon kamakalawa kina Philippine Football Federation (PFF) presidet Mariano Araneta Jr. at PFL commissioner  Mikhail Torre, ay ang United […]

  • Christian Bale Is Wrongfully Accused Of Murder In ‘Amsterdam’ Trailer / ‘Winnie The Pooh: Blood and Honey’ Trailer Unveils Icons on a Killing Spree

    A new trailer for David O. Russell’s highly anticipated comedy mystery film, Amsterdam, has arrived.     Written and directed by Russell (The Fighter, American Hustle), the film tells the story of three friends, a doctor named Burt (Christian Bale), a nurse named Valerie (Margot Robbie) and an attorney named Harold (John David Washington), who […]