• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malabon LGU naglunsad ng job fair para sa mga benepisyaryo ng 4Ps

NAGLUNSAD ng job fair ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps kahapon, Martes.

 

 

Ito ay pinangunahan ng Malabon Public Employment Service Office (PESO) sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Department (DSWD) na layong magbigay ng bagong oportunidad sa 4Ps beneficiaries.

 

 

Ka-partner din ng PESO sa naturang job fair ang iba’t ibang companies na handang magbigay ng trabaho para sa mga nangangailangan na ginaganap sa Malabon Sports Center at tatagal hanggang alas-4 ng hapon.

 

 

Kabilang sa mga trabahong maaaring aplayan sa naturang job fair ang service crew, maintenance worker, welder, accounting staff, delivery rider, at iba pa.

 

 

Umaasa naman si Malabon Mayor Jeannie Sandoval na maraming 4Ps beneficiaries ang makilahok sa job fair para makatulong sa pag-angat ng kanilang pamumuhay.
(Richard Mesa)

Other News
  • Top 2 most wanted person ng Hernani MPS, timbog sa Caloocan

    MAKALIPAS ang mahigit anim na taong pagtatago sa batas, naaresto na ng mga awtoridad sa ikinasang manhunt operation sa Caloocan City ang isang kelot na wanted sa kaso ng tangkang panggagahasa sa Eastern Samar.     Kinilala ni District Special Operation Unit (DSOU) chief P?lt. Col. Robert Sales ang naarestong akusado bilang si Nelson Alidon, […]

  • 2 kelot arestado sa pagnanakaw ng cellphone sa Navotas

    BINITBIT sa selda ang dalawang kelot matapos arestuhin ng pulisya makaraang ireklamo ng pagnanakaw ng cellphone sa Navotas City.     Kasong paglabag sa Art 308 of RPC (Theft) ang isinampa ng pulisya laban sa mga naarestong suspek na sina alyas Ronel, 18, at alyas Emir, 20 kapwa resident ng lungsod.     Sa imbestigasyon […]

  • 3 SOUTH KOREANS INARESTO NG BI

    INARESTO ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong South Koreans na nasa listahan ng wanted ng kagawaran at illegal na paninirahan sa bansa.       Sa report kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ng BI’s fugitive search unit (FSU), kinilala ang tatlo na sina  Han Jeongcheol, 47, Yang Wonil, 48, at Cho […]