• April 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ayo malabo sa Letran

KINONTRA kaagad ni Colegio De San Juan de Letran men’s basketball team coach coach Bonnie Tan ang mga naglalabasang ulat na papalitan siya kahit binigyan niya ng korona ang Knights noong isang taon sa gitnaan ng kontrobersiya sa University of Santo Tomas.

 

“May kulang yata sa tweet, nakikipag-swap ng position lang naman,” bulalas ni Tan sa kanyang FB account nitong isang araw kasama ang emoji na nakangiti. Patama ito sa paghalili sa kanya nang nagbitiw na si Aldin Ayo sa UST Growling Tigers

 

Sinuportahan din si Tan ng isa sa mga matalik niyang kaibigang si San Miguel Corporation sports director Alfrancis Chua at governor at team manager ng Barangay Ginebra San Miguel Gin Kings sa Philippine Basketball Association (PBA).

 

“Baka sa ibang Letran papunta coach nila.  Iisa lang Letran ang alam ko at ang coach dun si Bonnie Tan,” ani Chua na sa pagtugon din sa ulat ng ilang website.

 

Nagpa-Sorsogon training bubble si Ayo sa USTe kaya nasa kumukulong tubig ngayon sa Department of Justice (DOJ) sa pagbalewala sa health protocol laban sa Covid-19.  (REC)

Other News
  • Ads July 21, 2021

  • Trike drivers mabibigyan din ng fuel subsidy

    MAY HIGIT kumulang na 1.2 million na mga drivers ng tricycle ang maaaring mabigyan ng fuel subsidy mula sa pamahalaan.     Ito ang sinabi ni Department of Interior and Local Government (DILG) secretary Eduardo Ano sa isang panayam.     Inutusan ni Ano ang mga local government units (LGUs) na magbigay ng listahan ng […]

  • KELVIN, natupad na ang matagal nang pangarap na magka-billboard sa EDSA

    NATUPAD ang matagal nang pangarap ng The Lost Recipe star na si Kelvin Miranda na magkaroon ng malaking billboard sa EDSA.     Si Kelvin ang latest endorser ng isang kilalang clothing at lifestyle brand.     Inamin ni Kelvin na bata pa lang siya ay curious na siya kung ano ang pakiramdam na magkaroon […]