• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pag-aaral sa umento sa sahod ng mga gov’t workers’, posibleng matapos ngayong Hunyo

SINABI ng Department of Budget and Management (DBM) na ang nagpapatuloy na pag-aaral para sa posibleng umento sa sahod ng mga manggagawa sa gobyerno ay target na makumpleto sa pagtatapos ng Hunyo ngayong taon.
Sa isang kalatas, sinabi ng DBM na ang Compensation and Benefits Study para sa salary adjustments ng mga manggagawa sa gobyerno ay isinasapinal na.
Ayon sa departamento, lubusang sinaliksik ng pag-aaral ang iba’t ibang aspeto ng kasalukuyang compensation system, kabilang na rito ang sahod, benepisyo at allowances, para tukuyin ang “areas for improvement.”
Kabilang sa nasabing pag-aaral ang benchmarking activities laban sa pribadong sektor at ang hangarin na magtatag ng ‘fair at sustainable pay structure” na makapagpapahusay sa kapakanan at pagiging produktibo ng mga manggagawa sa gitna ng epekto ng inflation.
“The results of the study will likewise serve as the basis for making necessary changes in the Total Compensation Framework of civilian government personnel to ensure fair and timely salary adjustment for government workers,” ayon sa DBM.
Sa oras na maisapinal na ang pag-aaral, ang resulta ayon sa Budget Department ay ipi-presenta sa DBM at sa Governance Commission ng government-owned and controlled corporation (GOCC).
“The DBM assures its readiness to support the implementation of the salary adjustment once approved, to ensure a competitive and equitable compensation package for our civil servants,” ayon sa kalatas.
“We will find a way to fund its implementation, subject to excess revenue to be collected by the national government,” ang nakasaad sa kalatas. (Daris Jose)
Other News
  • Pinsala sa agrikultura dahil sa bagyong Paeng, pumalo nasa P3.16-B – Department of Agriculture

    PUMALO na sa Php 3.16 billion ang katumbas na halaga ng napinsalang agrikultura nang dahil sa pananalasa ng bagyong Paeng sa Pilipinas.     Batay sa pinakahuling datos ng Disaster Risk Reduction Management Operations Center ng Department of Agriculture, lumobo na sa 197,811 metric tons ang volume ng production lass ng bansa.     Saklaw […]

  • DepEd: Late enrollees tatanggapin

    SINIGURO ng Department of Education (DepEd) na kaagad tatanggapin ang late enrollees.   “Once registered on Monday, learners will get accepted right away,” ayon kay DepEd Undersecretary for Planning Jesus Mateo.   Ngunit ayon kay Mateo na maghihintay pa ang mga ito ng tagubilin sa guro upang isaayos ang kanilang gagamitin.   Ayon sa ahensya, […]

  • MARIS, pinagdududahan ng netizens kung may relasyon na sila ni RICO

    KAARAWAN ni Rico Blanco noong Miyerkules, pero more than his birthday, ang naging pagbati ni Maris Racal sa kanya ang napag-usapan.     Ang tanong ng netizen na ikinagulat ng halos lahat, “sila ba?”     Nag-post si Maris sa kanyang Instagram account ng picture ni Rico at ang ikalawang post niya, habang tinutugtugan siya […]