• June 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Arci at Kiray, pinagkalooban din ng award: NDMstudios, pinarangalan bilang ‘Best Independent Film Studio’ sa Japan Filmfest

ISANG makasaysayang tagumpay ang nakamit ng NDMstudios sa katatapos lang na Jinseo Arigato International Film Festival sa Japan.

 

 

 

Ang independent film studio na pinamumunuan ni Direk Njel de Mesa ay pinarangalan bilang “Best Independent Film Studio,” at nagmarka sa kasaysayan bilang unang independent film studio na naglabas ng anim na hindi pa naipalalabas na pelikula nang sabay-sabay sa isang international film festival.

 

 

 

“This humble local film studio brought Filipino pride by executing an exceptional feat in filmmaking,” ayon kay Raoul Imbach, isang respetadong miyembro ng hurado mula sa Swiss Embassy.

 

 

 

Punum-puno naman ng damdamin na tinanggap ni Ms. Jan Christine Reyes, Executive VP ng NDMstudios, ang mga parangal kasama ang mga kasamahan niyang mula sa NDMstudios Japan at Pilipinas.

 

 

 

Sa kanyang speech, pinasalamatan niya ang mga hurado, mga tagapag-organisa, ang Konsulado Heneral ng Pilipinas na si Roy Ecraela, si Mr. Takuji Sawada at ang mga opisyal ng “The Earth Inc.”, si Nestor Puno ng FCCJ, SBI Remit, miyembro ng hurado na si Mr. Raoul Imbach, at si Mr. Jared Dougherty, VP ng Sony Pictures Asia.

 

 

 

Si Arci Muñoz, isa sa mga producing partner ng studio, ay pinarangalan din bilang “Best International Filipino Actress” habang si Kiray Celis ay kinilala bilang “Most Versatile Comedienne” para sa kanyang papel sa “Malditas in Maldives” na dinirek ni Njel de Mesa.

 

 

 

Naroon din sa okasyon sina GMA Senior VP, Ms. Annette Gozon-Valdes, Senior Talent Manager para sa Sparkle, Tracy Garcia, pati na rin sina Chief Persida Acosta at Senador Bong Go.

 

 

 

Ang iba pang mga nagwagi ay sina Ms. Nora Aunor, Arnold Reyes, Daiana Menezes, Sanya Lopez, at Kelvin Miranda.

 

 

 

Ang tagumpay na ito ay hindi lamang isang malaking hakbang para sa NDMstudios kundi pati na rin para sa industriya ng pelikulang Pilipino sa pandaigdigang entablado.

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • SSS naipamahagi na ang mahigit P1-T sa mga miyembro at benipisaryo

    AABOT  sa halos P1.1 trillion na ang naipamahagi ng Social Security System (SSS) sa kanilang mga miyembro, pensioners at mga beneficiaries mula 2016 at 2021.     Ayon kay SSS President at CEO Michael Regino, na ang nasabing halaga ay halos doble sa naipamahagi nila mula 2010 hanggang 2015 na aabot sa P549.59 bilyon.   […]

  • Pfizer vaccines mapapaaga ang dating sa Pinas

    Posibleng mapaaga ang pagde-deliver sa bansa ng bakuna kontra COVID-19 mula sa Pfizer.   Sinabi ni Jose Manuel Romualdez, Philippine Ambassador sa Estados Unidos, na nakausap na niya si Secretary Carlito Galvez at mukhang may pag-asa ang bansa na makuha agad ang bakuna, subalit hindi lang alam kung anong eksaktong buwan.   Nauna nang sinabi […]

  • “Tarot” drums up scares as unsuspecting moviegoers find out their fate

    Tarot brought nightmares to life at The Grove in Los Angeles, California, as they pranked unsuspecting moviegoers with the monsters of Tarot bursting from behind seemingly ordinary movie posters. Watch their reactions in the “Theater Scare Prank” featurette. Watch the featurette here: https://youtu.be/dlalfU4ERE0 Director-writers Anna Halberg and Spenser Cohen also aimed to terrify each other […]