• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kapuso, nase-sepanx na sa pagtatapos ng serye: Puring-puri sa heartwarming story at chemistry nina MARIAN at GABBY

NASE-SEPANX na ang mga Kapuso dahil sa nalalapit na pagtatapos ng hit GMA primetime series na ‘My Guardian Alien.’

 

 

 

 

Puring-puri ng avid viewers ang heartwarming na kuwento ng serye pati ang undeniable chemistry nina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera bilang Grace at bankable leading man Gabby Concepcion bilang Carlos.

 

 

 

 

Komento ng netizens sa GMA Network YouTube channel,“Dahil sa story na ‘to, mai-inspire kang gumawa ng kabutihan, maging mapagbigay at mapagpatawad. May kontrabida man, pinapakita pa rin na kaya nilang magbago. Less stress, ang gaan lang. Matutulog kang inspired na maging mas mabuting tao.” Dagdag pa ng ilan, “Wala talaga akong masabi, sobrang bagay si Gabby Concepcion at Marian Rivera. Ang galing din ng buong cast!”

 

 

 

 

At ngayong malapit nang matapos ang serye, marami na agad ang humihingi ng bagong season. Sey ng fans, “Mami-miss namin kayong lahat. Pwede bang huwag munang tapusin ‘to. Extension please. Sana magka-season 2 napakaganda ng kwentong ‘to!”

 

 

 

 

Tuloy na nga ang wedding of the year kahit alam ni Carlos na aalis din sa Earth si Grace. Paano kaya ang kanilang happily ever after? Samantala, magiging kakampi ba o kaaway ang bagong alien na dumating sa buhay nila?

 

 

 

 

Huwag nang palampasin ang mga susunod na eksena sa “My Guardian Alien,” 8:50: p. m. sa GMA Prime at Kapuso Stream!

 

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Experience 2023’s Best Sci-fi Film and Watch “The Creator” Now in Cinemas and IMAX

    EXOPERIENCE a different kind of future and witness the bitter clash between man and artificial intelligence in 2023’s best sci-fi film, 20th Century Studios’ “The Creator,” now showing in cinemas and IMAX. To celebrate the film’s premiere in the Philippines, a special screening event was held at SM Megamall last September 30. Avid moviegoers and sci-fi […]

  • Gilas Pilipinas pinayagan ng mag-training sa Laguna

    Pinayagan na ang Gilas Pilipinas na magsagawa ng training sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.     Ayon sa Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) na binubuo ito ng mga full-time Gilas Pilipinas players na pinili ng SBP mula 2019 at 2021 PBA Rookie drafts ang kabilang sa training camps.     Kinabibilangan ito naina […]

  • LTFRB nagbukas ng 106 PUV routes para sa libreng sakay

    NAGBUKAS ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng 106 na public utility vehicles (PUVs) na ruta sa Metro Manila at Rizal para sa libreng sakay ng mga pasahero.       Ang mga nasabing PUV na ruta na may libreng sakay ay ang nasa lugar ng Caloocan, Mandaluyong, Makati, Manila, Malabon, Marikina, Muntinlupa […]