• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hungarian foreign minister, nag-courtesy call kay PBBM

MAINIT na tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Hungarian Minister of Foreign Affairs and Trade Peter Szijjarto sa Palasyo ng Malakanyang.

 

 

Ang courtesy call ni Szijjarto sa Pangulo ay naglalayon na palakasin ang ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Hungary.

 

 

”Well, I’m very happy to welcome you once again to the Philippines,” ang sinabi ni Pangulong sa naging courtesy call ni Szijjarto sa kanya.

 

 

”I hope that with all that is happening around the world and all of the opportunities, of course there are challenges, and all the opportunities also that is — that we’ll be able to hopefully forge new relationships,” dagdag na wika ng Pangulo.

 

 

Binanggit naman ng Punong Ehekutibo na maraming mga Filipino ang mas pinili na manirahan at magtrabaho sa Hungary.

 

 

“And so, it seems that they have found a new place for them to find some better opportunities for themselves. But welcome once again to the Philippines,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Bilang tugon, pinasalamatan ni Szijarto si Pangulong Marcos sa mainit na pagtanggap sa kanya.

 

 

”Thank you so much for the invitation. You have great secretaries with whom I’ll be working together for a long time. This is the third occasion that I have the honor to visit your fantastic country,”ayon kay Szijarto.

 

 

Ani Szijarto, nananatiling may malaking pagkakataon para sa improvement sa ugnayan sa pagitan ng dalawang bansa. (Daris Jose)

Other News
  • Toktok rider, 1 pa nadamba sa buy bust sa Valenzuela

    SWAK sa kulungan ang dalawang hinihinalang tulak ng iligal na droga kabilang ang isang Toktok deliver rider matapos matimbog sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela city.     Ayon kay PSSg Ana Liza Antonio, dakong alas-5:45 ng umaga nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) […]

  • Ulat na 70K pupils ang ‘di nakakabasa, ‘exaggerated’ – Briones

    “EKSAHERADO.” Ito ang naging tugon ni Education Secretary Leonor Briones sa ulat ng Philippine Daily Inquirer (PDI) na 70,000 na mga batang estudyante sa Bicol region ang hindi marunong magbasa ng English at Filipino.   Sa Laging Handa press briefing kahapon (Lunes), sinabi ni Briones na hindi nangangahulugang “no read, no write” o “illiterate” ang […]

  • Japanese gymnast Kohei Uchimura, nagpositibo sa COVID-19

    NAGPOSITIBO sa COVID-19 si Japanese gymnast Kohei Uchimura.   Dahil dito ay pinangangambahan na hindi na makakasali si Uchimura sa international meet.   Ang nasabing international meet ay gaganapin sa Nobyembre 8 bilang paghahanda para sa Tokyo Olympics.   Nauna na kasing ipinagpaliban ang nasabing torneo na unang plano ay sa Marso subalit dahil sa […]