SSS, bukas na sa aplikasyon ng calamity loan
- Published on June 17, 2024
- by @peoplesbalita
BINUKSAN na ng Social Security System (SSS) ang pintuan upang tumanggap ng aplikasyon ng calamity loan para sa mga miyembro nito na nakatira at nagtatrabaho sa Taiwan na naapektuhan ng nagdaang 7.2 magnitude na lindol sa nasabing bansa noong Abril 2024.
Ayon sa SSS, ang naturang loan ay bukas sa mga SSS members sa Taiwan hanggang Agosto 20, 2024.
Ayon kay SSS president at CEO Rolando Macasaet ang loan applications ay maaaring isumite sa My.SSS account.
“However, members must first visit the SSS Taiwan Foreign Office in Neihu District, Taipei City, to secure a Calamity Loan Reference Number (CLRN) needed in their loan applications. The CLRN is a unique 12-alphanumeric identifier provided to SSS members and is among the requirements for the calamity loan,” sabi ni Macasaet.
Sa ilalim ng programa, ang mga miyembro ay maaaring makakuha ng loan equivalent sa isang buwang salary credit o hanggang P20,000.
Ang mga requirements ng calamity loan ay dapat nakaregister sa My.SSS account sa www.sss.gov.ph at may halos 36 monthly contributions, OFW SSS member at nakatira sa Taiwan nang maganap ang lindol at walang past due na loan sa SSS.
-
Truck driver tinarakan ng nakaalitang e-trike driver sa Malabon
MALUBHANG nasugatan ang 33-anyos na truck driver matapos saksakin ng nakaalitang e-trike driver sa kalsada sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Inoobserbahan sa Caloocan City Medical Center sanhi ng tinamong saksak sa kanang braso at ibabang bahagi ng kanang dibdib ang biktimang si alyas “Jojo’, 33 ng Parola Compound, Area B Gate 13, […]
-
Traslacion, hindi pahihintulutan ni Yorme hangga’t may COVID
NAGPAHIWATIG si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na hindi nito pahihintulutan na matuloy ang nakagawian ng mga debotong Kristyano na “Traslacion” sa ika-414 taon anibersaryo ng pagdiriwang ng Mahal na Poong Nazareno sa darating na Enero 9, 2021. Ayon kay Domagoso, bagama’t ilang buwan pa bago ang nasabing pagdiriwang ay nagpahatid na agad ito […]
-
Kahit kinikilala ng MTRCB ang constructive criticism: Nakaaalarmang pagbabanta kay Chair LALA, mariing kinokondena
NAGING target ng nakaaalarmang online attacks ang Chairperson ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na si Lala Sotto. Ang mga netizens ay pumunta sa opisyal na mga pahina ng social media ng MTRCB upang ipahayag ang kanilang mga hinaing sa hindi naaangkop at nakapipinsalang paraan, na nagdulot ng malubhang alalahanin tungkol sa […]