Kinumpirma sa mismong ‘Araw ng mga Ama’: ZANJOE, may sweet message kay RIA after ng pregnancy news
- Published on June 18, 2024
- by @peoplesbalita
LAST Sunday, June 16, kinumpirma na ni Ria Atayde na dinadala niya ang first baby nila ni Zanjoe Marudo sa kanyang Instagram post.
Kasabay ito nang pagbati niya kay asawa ng ‘Happy Father’s Day.’
Kasama ng dalawang larawan na kuha sa isang beach na kung saan first time ipinakita ang baby bump, mababasa ang caption ng 32-year-old actress/producer caption, “To the dad you already are and the dad I know you’ll be. Love you @onlyzanjoemarudo, so excited for this new chapter with you [emoji] Happy first Father’s Day! [Emoji]”
Inulan nga ng mensahe ng pagbati mula celebrities, friends, relatives, influencers, and fans, pero may isang netizen na nag-post ng, “Hahahahah…tpos ddeny png buntis! susme.”
Kaya agad naman itong sinagot ng soon-to-be mom ng, “We never denied anything, Madam. We just didn’t think we owed anyone an announcement. [Smiling face] thank you for the support po.”
Pagtatanggol naman ng isang IG user, “Kahit pa they’re public figure couple.. di nila kailangan e announce lahat na mga happenings sa buhay nila.. di naman nila deniny NO COMMENT lang sila.”
Say pa ng isang fan, “Let’s just be happy for them. Children are always blessing from God. I’m happy for them and really like @ria for @onlyzanjoemarudo.”
Dagdag pa ng isa, “ang tuwa ni mommy Sylvia yan ang wish na tinupad na ni Ria, wait pa natin si Meng kung kailan naman, sabi naman ni Menga kung Kailan ibigay ni Lord.
Congrats Ria and Zanjoe!”
Marami pang iba’t-ibang comments, pero karamihan ay masaya sa new parents.
Samantala, nag-post naman si Zanjoe sa kanyang IG ng series of photos nila ni Ria at may sweet caption na, “Motherhood.
“Our baby and I are both so lucky to have you.”
***
NGAYON pa lang ay inaabangan na ang 7th The EDDYS o Entertainment Editors’ Choice,
na mapapanood sa ALLTV ng Advanced Media Broadcasting System.
Asahang mas magiging maningning ang ika-7 edisyon ng The EDDYS awards night ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa darating na July 7, sa Marriott Grand Ballroom Ceremonial Hall ng Newport World Resorts sa Pasay City.
Ang kabuuan ng Gabi ng Parangal ay magkakaroon ng delayed telecast sa ALLTV, isang Philippine free-to-air broadcast television network ng AMBS, sa darating na July 14, 10 p.m.
Ayon kay Maribeth Tolentino, AMBS president, isang maganda at makabuluhang partnership ito kasama ang SPEEd, sa paghahatid nila ng iba’t ibang klase ng entertainment and public affairs shows sa mga Filipino viewers.
“ALLTV is optimistic about this tie-up. We are happy for the trust given to us by SPEEd, which compromises many of the best editors and writers from the entertainment industry.
“We look forward to a fruitful endeavor with only the best as we join in recognizing talented actors, producers and those in the industry,” pahayag ni Tolentino.
Ang 7th The EDDYS ay muling ididirek ng award-winning actor at filmmaker na si Eric Quizon. Siya rin ang nagdirek sa ika-6 edisyon ng The EDDYS nitong nagdaang taon.
Ang Brightlight Productions naman ang magsisilbing line producer ng awards night sa July 7, 2024.
Sa pakikipagtulungan ng Newport World Resorts, ALLTV at Sound Check, kasama pa rin ng SPEEd sa pagtatanghal ng The 7th EDDYS ang Globe Telecom bilang major sponsor.
Katuwang din ng grupo ngayong taon ang Beautéderm ni Rhea-Anicoche Tan, Unilab, Camille Villar, former Ilocos Sur Governor Chavit Singson at ang Echo Jam.
Nagsimula noong 2015, ang annual event na ito na mula sa samahan ng mga entertainment editors sa Pilipinas ay nagbibigay ng pagkilala at pagpapahalaga sa mga pelikula at personalidad na itinuturing na “best of the best” sa Philippine Cinema.
May 14 acting at technical awards na ipamimigay ang The EDDYS ngayong taon kabilang na ang Best Picture, Best Director, Best Actor, Best Actress, Best Supporting Actor, Best Supporting Actress, Best Screenplay, Best Cinematography, Best Visual Effects, Best Musical Score, Best Production Design, Best Sound, Best Editing, at Best Original Theme Song.
Bukod dito, ipagkakaloob din sa mga karapat-dapat na personalidad ang ilang special awards tulad ng Joe Quirino Award, Manny Pichel Award, Producer of the Year, Rising Producer Circle Award, ICONS AWARD, at posthumous honorees.
Ang SPEEd ay binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading newspaper at online site sa Pilipinas, sa pangunguna ng presidente nitong si Salve Asis ng Pilipino Star Ngayon at Pang Masa.
(ROHN ROMULO)
-
Sotto, Ignite sa Pebrero ‘binyag’
‘MABIBINYAGAN’ na sa Pebrero 8 sa 2021 NBA G League Bubble si Kai Zachary Sotto at ang koponan niyang Ignite selection. Kabilang ang 18-year-old, 7-foot-2 Pinoy cage phenom sa team nina fellow National Basketball Association prospects Fil-American Jalen Green, Congolese Jonathan Kuminga, Indian Princepal Singh at American Daishen Nix. Makakalaban ng Ignite sa […]
-
PAGSUSUOT NG SHIRT O PARAPHERNALIAS NA MAY MUKHA NG KANDIDATO, DI REKOMENDADO
HINDI inirerekomenda ng Commission on Elections (Comelec) sa mga botante na magsuot ng T-shirt o paraphernalia na may mukha o pangalan ng mga kandidato at polling precincts sa araw ng halalan. Kumpiyansa ang Comelec na maging ‘smooth’ ang May 9 electionsatapos ang final testing, sealing . “Di po tayo magdidikta at […]
-
‘Malditas in Maldives’, Best Picture sa Taipei Filmfest: DIREK NJEL, muling naghatid ng karangalan para sa Pilipinas
MULING naghatid ng karangalan para sa Pilipinas si Direk Njel de Mesa, dahil sa isa na namang parangal sa international scene ang nakamit niya, this time sa Taipei, Taiwan. Ang kanyang full-length film na “Malditas in Maldives” (na pinagbibidahan nina Arci Muñoz, Kiray Celis, at Janelle Tee tungkol sa […]