Miyembro ng PCG, inaresto sa pagpapaputok ng baril
- Published on June 20, 2024
- by @peoplesbalita
INARESTO ang isang miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) nakaraang aminin na nagpaputok ng baril habang nag-iinuman sa Sampaloc, Manila Lunes ng madaling araw.
Kinilala ang suspek na si CG ASN Christopher Busilan, miyembro ng Philippine Coast Guard at residente ng 25th Street, Pier 15, Port Area, Manila. At nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 at Illegal Discharge of Firearm.
Sa salaysay ni Brgy Ex-O Jhomar Samson ng Brgy 464 Sampaloc, Manila bandang alas-2:20 kahapon ng madaling araw nang, nakarinig siya ng putok ng baril sa kahabaan ng R.Papa St., Sampaloc, Manila kaya inalam nito at pagdating sa lugar ay nakita ang grupo ng mga kalalakihan na nag-iinuman.
Tinanong ng Brgy Ex-O kung sino ang nagpaputok ng baril gayunman mismong ang suspek ay itinangging may nagpaputok sa lugar pero nagsumbong ang kanilang mga kapitbahay na sa mismong bahay ng suspek ang pinagmulan ng putok at sa bandang huli ay inamin ng suspek na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto.
Narekober sa suspek ang isang kalibre ng baril at dalawang bala. GENE ADSUARA
-
PCG, K9 EOD, nagsagawa ng paneling inspection
NAGSAGAWA ng paneling,inspection at iba pang security measures ang Philippine Coast Guard (PCG) K-9 Explosive Ordnance Disposal (K9-EOD) Team. Ito ay kaugnay sa Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction (APMCDRR) sa Manila. Ang PCG ay bahagi ng security cluster, kasama ang Philippine National Police (PNP). Ang gobyerno ng Pilipinas sa pakikipagtulungan […]
-
Reynang-reyna sa 15 million Youtube subscribers: IVANA, mas pinili na ‘wag mag-allow ng politics or election-related content sa vlog
WALA nang iba pang reyna ng Youtube sa mga artista kung hindi ang sexy actress na si Ivana Alawi. Nag-post si Ivana last Thursday sa kanyang Instagram account na 15 million na ang kanyang Youtube subscribers. “Happy 15 million subscribers on Youtube!!!” At parang pa-bonus ba niya o pasasalamat […]
-
Duterte, sa puwet magpapabakuna
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, pinal na ang hindi pagsasapubliko nang pagpapabakuna ng Pangulo dahil hindi siya sa braso tuturukan. “I think so (gagawing pribado), he has said so. Sabi nga niya dahil sa puwet siya magpapasaksak so hindi pupuwedeng public,” ani Roque. Nauna rito, mismong si vaccine czar at […]