• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Paolo, Krista at Sid, may kanya-kanyang paniniwala: RHEN, umaming na-karma dahil sa nagawang mali pero may natutunan

DAHIL ‘Karma’ ang titulo ng pelikula, tinanong namin ang cast kung naniniwala sila sa karma at kung ano ang mga dinanas nila sa tunay na buhay.

 

 

 

“Yes, naniniwala ako sa karma,” umpisang pahayag ni Paolo Paraiso.

 

 

 

“Dahil buong buhay ko isa yun sa mga pinapaniwalaan talaga na, do good to others and everything good will happen to you.

 

 

 

“So talagang naniniwala ako dun. So so far naman lahat ng karma ko sa buhay e maganda and I’m very thankful for that.”

 

 

 

Ayon pa kay Paolo, isa sa mga magandang karma na dumating sa kanya ay ang makasama ang magaling na cast at direktor ng pelikulang ‘Karma’.

 

 

 

“So good karma ako so far,” ang nakangiting pahabol pang sinabi ni Paolo.

 

 

 

Lahad naman ni Krista Miller, “Yes po naniniwala din po ako sa karma and like din kay Paolo good karma naman siya.

 

 

 

“And kung nakakaranas man ako ng bad karma tine-take ko siya as good karma for me to learn sa mga past experiences ko, ganun.”

 

 

 

Hiningan namin si Krista ng halimbawa ng bad karma na dinanas niya sa nakaraan…

 

 

 

Aniya, “Hindi ano, siguro yung mga ano ko, yung mga past issues ko nga, pero ano naman siya, iyon nga tine-take ko siya as good karma para alam mo yun maging okay yung future ganyan, di ba?”

 

 

 

Tumanggi nang magbigay ng specific na karanasan niya ng bad karma si Krista.

 

 

 

“Okay na yun,” pakli niya.

 

 

 

Ayon naman sa bida ng pelikula na si Sid Lucero, “Yeah, yeah, I believe in karma! One hundred percent.

 

 

 

“And I don’t think it just extends to like how you treat other people because all my life, like si Paolo, I’ve been up and down, under the wheel, and I notice that I don’t really treat other people poorly, in fact I’ve been raised to treat everybody as equals, right?

 

 

 

“But I realized also that it goes and like extends to how well you treat yourself.

 

 

 

“And ever since I started being nice to myself the world started shining back at me,” at natawa si Sid.

 

 

 

Dagdag pa niyang sinabi, “So I’m really happy.”

 

 

 

Tinanong namin si Sid kung may bad karma na siyang naranasan na may natutunan siyang magandang life lesson.

 

 

 

“Like yung na-mention ko kanina it was more of not how I like treat the world around me, it was more of how I treated myself and I think I treated myself so well that the universe turned its back on me,” at tumawa si Sid.

 

 

 

“I partied too hard, is that what you wanna know,” ang tumatawa pa ring bulalas ni Sid.

 

 

 

“Yes! Anyway, yeah, after that, like I said with the first question, you start treating yourself better, the universe smiles back at you.”

 

 

 

Katulad nina Paolo, Krista at Sid, naniniwala rin daw sa karma ang aktres na si Rhen Escano.

 

 

 

Aniya, “Well katulad po ng mga kasama ko naniniwala din po ako sa karma. Pero hindi po ako naniniwala sa revenge.”

 

 

 

May tema rin tungkol sa paghihiganti ang pelikulang ‘Karma’.

 

 

 

Pagpapatuloy pa ni Rhen, “Naniniwala din ako na may mga times sa buhay ko na may mga nagawa po akong mali, may mga nasaktan akong mga tao.

 

 

 

“Pero I think hindi ko mako-consider na bad karma yung bumalik sa akin because kung may mga naranasan man akong mga hirap sa buhay dahil sa mga nagawa ko before or may mga naranasan ako na naging uncomfortable ako, I think ang good karma naman doon is natuto ako.

 

 

 

“Nag-grow ako as a person, as an actor. I don’t think nandito po ako ngayon kung hindi ako natuto sa mga bawat pagkakamali ko, kung hindi ako nag-fail, kung hindi ako natuto sa mga bawat nangyari sa akin before.

 

 

 

“But it doesn’t mean naman na kapag kinarma ka in a bad way is you’re a bad person, hindi naman po ganun iyon.

 

 

 

“Part iyon ng life, lahat naman tayo nagkakamali and lahat tayo for sure doon sa bawat bad karma na iyon may natutunan tayo.”

 

 

 

Mula sa Viva Films at Happy Infinite Productions (represented by Grace Mariel Isais during the mediacon), at ipapalabas sa mga sinehan sa June 19, nasa cast rin ng ‘Karma’ sina Roi Vinzon, Mon Confiado at Leandro Baldemor, sa direksyon ni Albert Langitan at Zyro Radoc.

 

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Ipagpaliban ang physical distancing sa PUVs, suportado ni Senador Bong Go

    SANG-AYON si Senador Bong Go sa rekomendasyon ng mga eksperto at mga doktor na pansamantalang ipagpaliban muna sana ang pagpapaluwag ng health protocols tulad ng pagpapaikli ng distansya ng mga tao sa pampublikong sasakyan.   Ang katwiran ni Go ay huwag na isugal kung may posibilidad na mas kumalat pa ang sakit na coronavirus.   […]

  • PBBM, ikinatuwa ang naging pasiya ng MANIBELA at PISTON na tapusin na ang kanilang tigil- pasada

    LABIS  na ikinatuwa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang naging desisyon ng dalawang transport groups na itigil na ang kanilang ikinasang tigil-pasada at  hindi na  paaabutin pa ito ng isang linggo.     Sa ipinalabas na kalatas ng Presidential Communications Office (PCO), sinabi nitong masaya ang gobyerno sa naging pasiyang MANIBELA at PISTON kasunod ng […]

  • Aminadong magiging spoiler na lola: SYLVIA, super excited na sa pagdating ng kanilang ‘little Boss’

    SOBRANG excited na ang award-winning actress na si Sylvia Sanchez sa paglabas ng panganay na anak nina Ria Atayde at Zanjoe Marudo.       Aminado naman ang aktres na baka raw maging spoiler siyang lola.       Ibinahagi nga ni Ibyang sa kanyang social media accounts ang ilan sa kaganapan sa Hong Kong […]