• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Minimum wage hike sa NCR, kasado sa Hulyo – DOLE

INAASAHANG pagsapit ng kalagitnaan ng Hulyo ay maaaring maitaas na ang minimum wage ng mga manggagawa sa National Capital Region (NCR).

 

 

 

Ito’y kasunod na rin nang nakatakda nang pagdaraos ngayong Huwebes, Hunyo 20, ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ng public hearing hinggil sa petisyong umento sa sahod ng mga manggagawa sa Metro Manila.

 

 

 

Sa kanyang pagdalo sa Kapihan sa Manila Bay media forum, sinabi ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma na maaaring mailabas ang bagong kautusan, bago ang anibersaryo ng pinakahu­ling wage order sa Hulyo.

 

 

 

Ayon kay Laguesma, base sa kasaysayan, ina­aprubahan ng RTWPB ang umento sa sahod matapos ang deliberasyon.

 

 

 

Pagtiyak pa niya, “Ang lahat ng naging deliberation ng wage board magkaroon ng dagdag.”

 

 

“Although, sinasabi siyempre na maliit at hindi sapat, pero ang bottom line meron dagdag,” pahayag pa ng kalihim.

 

 

 

Aniya pa, pinasimulan ng RTWPB sa NCR ang proseso noong Mayo kasunod na rin ng direktiba ni Pang. Marcos, kahit wala pang petisyon para sa wage hike.

 

 

 

Gayunman, kamakailan ay isang pormal na petisyon na rin ang inihain ng mga labor groups na humihingi ng P500 na umento sa daily wage ng mga manggagawa sa NCR.

 

 

 

Nabatid na ang kasalukuyang daily minimum wage rate sa NCR ay P610.

Other News
  • Petron patuloy sa pagbibigay ng fuel subsidy sa mga libreng sasakyan ng health workers

    Ipagpapatuloy ng Petron Corporation ang pagbibigay ng fuel subsidy hanggang June 15 sa mga sasakyan na nasa pangangasiwa ng Department of Transportation (DOTr) na ginagamit ng mga health workers sa panahon ng corona virus disease 2019 (Covid-2019).   Ito ay matapos ang pagkakaroon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) na ngayon ay General Community Quarantine (GCQ) […]

  • Pagkakaisa, pinakamagandang aginaldo ngayong Pasko

    Sinabi ni presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., na ang pagkakaisa ng mamamayang Pilipino para mapaunlad ang bansa ang pinakamagandang aginaldo ngayong Pasko.     Ani Marcos, ang pina­kahuling pagbisita niya sa Cebu kamakailan, kasama ang running mate na si vice-presidential bet Mayor Inday Sara Duterte kung saan ay mainit silang sinalubong ng libu-libong supporters […]

  • DBM: 4.4 MILLION HOUSEHOLDS, MAKIKINABANG SA P106 BILYONG PONDONG INILAAN PARA SA 4PS

    NAGLAAN  ang pamahalaan ng ₱106.335 bilyon sa ilalim ng FY 2024 General Appropriations Act (GAA) para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), na naglalayong tulungan ang mahigit 4.4 milyong karapat-dapat na pamilya sa buong bansa.       Binigyang-diin ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary […]