• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Wala kaming bayaran sa socmed laban kay VP Robredo – Andanar

MARIING itinanggi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na kumuha ng mga troll o bayarang vlogger o manunulat sa social media ang administrasyong Duterte para atakehin o siraan si Vice President Leni Robredo.

 

Tugon ito ni Andanar sa bintang ng kampo ni Robredo na mababa ang performance at trust rating ng Vice President dahil sa mga atake o paninira rito sa social media.

 

Paliwanag ni Andanar, independiyente o nagsasarili ang mga kritiko at inilalayo ng PCOO ang administrasyong Duterte sa mga ito upang hindi maimpluwensyahan sa paglalabas ng kanilang mga pananaw sa anomang isyu, lalo na sa na sa mga kontrobersya na may kinalaman kina Duterte at Robredo.

 

Dagdag ni Andanar, pareho lang din sina Robredo at Pang. Rodrigo Duterte na sinisiraan, inaatake at ginagawan ng fake news sa social media.

 

Hindi rin gawain ng administrasyon ang gumamit ng mga bayaran sa socmed para lang isulong ang pagkahati-hati ng lipunan, pahayag pa ni Andanar.

 

Nauna rito, sinabi ni Barry Gutierrez, spokesman ni Robredo, na mas mababa ang gradong natamo ng huli sa usaping performance at trust rating sa Pulse Asia survey kaysa sa tatlong pinakamatataas na opisyal ng bansa dahil sa mga pag-atake at paninira ng mga troll ng administrasyong Duterte.

 

Reklamo pa ni Gutierres, higit na mas malakas umano ang gamit sa komunikasyon ng Malakanyang kaysa sa gamit ng opisina ni Robredo kaya hirap silang bakahin ang mga atake, paninira at pagpapakalat ng fake news ng mga troll.

 

Buwelta naman ni Andanar na pareho lang ang kakayahan sa komunikasyo ang Malakanyang at Office of the Vice President.

 

Matatandaang sumirit sa 91 porsyento ang pag-apruba ng mga mamamayan sa gawain at pagtitiwala ng mga ito kay Pang. Duterte samantalang 57 ang pag-apruba kay Robredo at halos malaglag ang pagtitiwala sa kanya sa gradong 50.

 

Naungusan pa si Robredo nina Senate President Vicente Sotto III na nakakuha ng gradong 84 at Speaker Alan Pe- ter Cayetano ng gradong 70 sa pag-apruba at sa pagtitiwala, may gradong 79 si Sotto habang 67 naman ang kay Cayetano.

 

Tanging si Chief Justice Diosdado Peralta na may gradong 44 sa pag-apruba at 39 sa pagtitiwala dahil hindi siya gaanong kilala ng mga mamamayan ang naungusan ni Robredo.

Other News
  • Ngayong tapos na ang hit serye nila ni Gabby: SANYA, balik sa pagkanta at nai-record na ang first single

    SINA Jerry Sineneng at Dominic Zapata ang mga directors ng upcoming Pinoy adaptation ng Korean drama series na Start-Up.     This early, may agam-agam na ang mga fans at netizens kung magagawa ba nila ang tulad ng K-drama na napanood na nila.     Kaya sagot nila, during the mediacon, they are giving their best, […]

  • JUSTIN BALDONI AND BRANDON SKLENAR STAR AS POLAR OPPOSITES RYLE AND ATLAS IN “IT ENDS WITH US”

    A new life in the big city sets up an opportunity for love for Lily Bloom, the main character in Colleen Hoover’s #1 New York Times bestselling novel It Ends With Us. Charismatic neurosurgeon Ryle Kincaid is just that opportunity, sweeping Lily off her feet from the get-go. Playing the role of Ryle and helming […]

  • Total ban sa mapanganib na paputok ipatupad – DILG

    UPANG maiwasan ang disgrasya lalo na sa mga kabataan, nanawagan si Interior and Local Government Units (LGUs) na ipatupad ang ‘total ban’ sa lahat ng uri ng mga mapanganib na paputok kaugnay ng pagsalubong sa Kapaskuhan at Bagong Taon sa bansa.     Ayon kay Abalos, ang mga LGU ay maaaring magtalaga ng mga pampublikong […]