• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

“POKWANG” todas sa pamamaril sa Caloocan

BUMULAGTA ang duguan at walang buhay na katawan ng 34-anyos na babae matapos barilin sa mukha ng hindi kilalang suspek sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong tama ng bala sa mukha ang biktima na nakilala lang sa alyas ‘Pokwang’, 34, at residente ng Barangay 28 ng nasabing lungsod.

 

 

Nabatid na habang nakaupo umano ang biktima sa tapat ng isang bahay sa Martinez Extention, Brgy. 28, dakong alas-7:00 ng gabi nang lapitan siya ng nag-iisang salarin at agad na pinaputukan ng dalawang ulit sa mukha.

 

 

Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang salarin sa hindi matukoy na direksyon habang naiwan naman ang duguan at nakahandusay na katawan ng biktima.

 

 

Patuloy naman ang follow-up imbestigasyon ng pulisya para sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa suspek habang inaalam pa ang motibo sa pamamaslang. (Richard Mesa)

Other News
  • Covid-19 capital na ang Pilipinas, pinalagan ng Malakanyang

    PINALAGAN at itinatwa ng Malakanyang ang ulat na Covid-19 capital na ang Pilipinas.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ang pagdami ng mga kaso ay dahil sa mga variants mula sa UK, South Africa, Brazil at Pilipinas.   Subalit bagama’t sa buong daigdig aniya ay problema ang matinding pagdami ng kaso ay nananatili ang […]

  • 3-araw tigil-pasada ikinasa uli ng Manibela

    NAGKASANG muli ng tatlong araw na tigil-pa­sada ang transport group na Manibela sa susunod na linggo.       Nabatid na isasagawa ng grupo ang transport strike mula Hunyo 10 hanggang 12 bilang protesta sa isinasagawang paghuli sa mga public utility jeepneys (PUJs) na hindi nakapag-consolidate ng prangkisa sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization […]

  • Pinay Muay Thai athletes nagbigay ng 1st gold medal para sa PH

    UMEKSENA rin nitong araw ang Women’s Wai Kru Mai All-Female event ng Pilipinas matapos magbulsa ng gold medal.     Ang team ay binubuo nina Islay Erika Bomogao at Rhichein Yosorez na nakapagtala ng score na 8.68.     Samantala, nauwi naman sa silver medal ang kampanya ng Fencing Women’s Team ng Pilipinas na kinabibilangan […]