• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 drug suspects tiklo sa drug bust sa Caloocan

LAGLAG sa selda ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos matimbog ng pulisya sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City.

 

 

 

Sa ulat ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) kay P/Col. Paul Jady Doles, Acting Chief of Police ng Caloocan, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y ilegal drug activities nina alyas ‘Totong’ at alyas ‘Dogong’ kaya ikinasa nila ang buy bust operation kontra sa mga ito.

 

 

 

Isang undercover pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksyon sa mga suspek at nang tanggapin nila ang marked money mula sa pulis kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad silang sinunggaban ng mga operatiba dakong ala-1:04 ng madaling araw sa Corinthians St., Brgy., 177.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 7 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P47,600 at buy bust money na isang P500 bill at anim pirasong P6,000 boodle money.

 

 

 

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 Article II of RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002). (Richard Mesa)

Other News
  • Robredo, ‘No regrets’ sa kabila ng OVP challenges sa ilalim ng administrasyong Duterte

    “NO REGRETS”  si Outgoing Vice President Leni Robredo sa kabila ng mga hinarap na hamon ng kanyang tanggapan sa ilalim ng administrasyong Duterte.     Sa  last episode ng kanyang  lingguhang radio program, sinabi ni Robredo na ang kakulangan ng suporta  mula sa ibang tanggapan ng pamahalaan ang dahilan para itulak ng kanyang tanggapan na […]

  • Mayor Isko, paluluwagin ang Divisoria

    Nangako si Manila City Mayor Isko Moreno na gagawin ang buong makakaya para mapaluwag ang Divisoria na dinadagsa ngayon ng maraming tao para sa mga nais makamura sa kanilang mga Pamasko at mga negosyante na nagre-resell.   “We will put order in our own little and we will reinforce our effort na maglagay ng mga […]

  • Pagtanggal ng pagtuturo ng ‘mother tongue’ bilang asignatura, hindi pa pinal – Department of Education

    NILINAW ng Department of Education (DepEd) na hindi pa pinal ang pagtanggal ng pagtuturo ng mother tongue o sariling dialect bilang asignatura.     Ito ay dahil kasalukuyang nakabinbin pa ang paglalabas ng final curriculum para sa Kinder to Grade 10 (K-10) program.     Ginawa ni DepEd spokesperson Michael Poa ang naturang pahayag kasunod […]