• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4 drug suspects nalambat sa Malabon, Navotas buy bust

MAHIGIT P.1 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa apat na hinihinalang drug personalities matapos maaresto ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operarion sa Malabon at Navotas Cities.

 

 

 

Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong mga suspek na sina alyas Dekdek, 41, (user/listed) ng Malabon at alyas Rex, 42 ng Caloocan City.

 

 

 

Sa ulat ng Malabon Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) kay Col. Baybayan, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y ilegal drug activities ni ‘Rex’ kaya ikinasa nila ang buy bust operation sa suspek.

 

 

 

Nang tanggapin ni ‘Rex’ ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba dakong alas-4:20 ng madaling araw sa M.H Del Pilar St., Brgy. Tugatog, kasama ang kanyang parokyano na si ‘Dekdek’.

 

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 15.5 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P105,400.00 at buy bust money.

 

 

 

Sa Navotas, nabingwit naman ng mga operatiba ng Navotas Police SDEU sa pangunguna ni P/Capt. Genere Sanchez sa buy bust operation sa Luna St., Brgy. Bangkulasi, dakong alas-10:30 ng gabi sina alyas ‘Puroy’, 51 at alyas ‘Angel’, 32 matapos bintahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

 

 

 

Sinabi ni Capt. Sanchez kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes na nasamsam nila sa mga suspek ang may 4.97 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P33,796.00 at buy bust money.

 

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Para sa kanilang 11th commitment anniversary: ICE, tinapatan at ‘di nagpakabog sa mga mensahe ni LIZA

    NAKAAALIW basahin ang 11th commitment anniversary messages nina OPM Icon Ice Seguerra at Liza Diño, na pinost nila sa Facebook at Instagram na kung saan nagpahayag sila ng kanilang pagmamahal.       Sa post ni Ice, sinimulan niya ito ng, “It’s been 11 years since I committed to…       Kasunod ang mga […]

  • PANIBAGONG HOUSING PROJECT NG MANILA LGU, INILUNSAD SA BASECO

    INILUNSAD ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang isang panibagong housing project ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Maynila.   Pinangunahan nina Domagoso at Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan kasama ang mga konsehal sa Distrito 5 ng lungsod ang ground breaking ceremony kaugnay sa proyektong pabahay ng lokal na pamahalaan kung saan plano […]

  • Pacquiao todo kayod na sa ensayo

    Dalawang linggo na lamang bago ang laban kaya’t todo ensayo na si eight-division world champion Manny Pacquiao para sa laban nito kay Errol Spence Jr. sa Agosto 21 (Agosto 22 sa Maynila) sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada.     Naglabas pa ng video si Pacquiao upang ipakita sa mga fans nito ang bilis […]