• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PANIBAGONG HOUSING PROJECT NG MANILA LGU, INILUNSAD SA BASECO

INILUNSAD ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang isang panibagong housing project ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Maynila.

 

Pinangunahan nina Domagoso at Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan kasama ang mga konsehal sa Distrito 5 ng lungsod ang ground breaking ceremony kaugnay sa proyektong pabahay ng lokal na pamahalaan kung saan plano nila na magpatayo ng Townhouse type sa Baseco upang mabigyan ng sariling tahanan na matutuluyan ang mga mahihirap na pamilya dito.

 

Batay sa plano, nasa two storey ang itatayo na binubuo ng may 229 units ang nasabing BaseCommunity. 42-square meters ang nakalaan sa bawat pamilya na may dalawang kuwarto sa bawat pabahay.

 

“Ipakikita natin sa buong bansa paano magtatag ng tunay maaliwalas at sapat na espasyo na pabahay sa mahirap. Bakit po? Dahil alam ko ang pakiramdam ninyo na kapag umuulan na, lahat ng timba, tabo at planggana ay nasa higaan at nakabaluktot ang paa mo dahil tumutulo ang tubig sa bubong n’yo,” ani Domagoso.

 

“Mahirap sa pakiramdam na kapag galing ka sa trabaho, ang laging nasa isip ninyo ay kung ang bahay ninyo ay nakatirik pa dahil ang bahay na kinatitirikan niyo ay hindi sa inyo,” dagdag pa ng Alkalde.

 

Bukod sa BaseCommunity housing project, nauna nang inilunsad at sinimulan nang itayo ang Tondominium 1 & 2 at Binondominium. Layon ng mga nasabing proyektong pabahay na magkaroon ng sariling tahanan at maitaas ang kalidad ng pamumuhay ng mga mahihirap na isa sa mga pangarap ni Domagoso para sa mga Manilenyo. (GENE ADSUARA )

Other News
  • Pacers guard Brogdon nagpositibo rin sa COVID-19

    Nagpostibo sa coronavirus si Indiana Pacers guard Malcolm Brogdon.   Hindi naman binanggit ng koponan kung saan o paano nakuha nito ang nasabing virus.   Naging aktibo ang 27-anyos sa racial at social justice mula ng matigil ang mga laro sa NBA noong Marso dahil sa COVID-19 pandemic.   Hindi rin naglaro ito sa nasabing […]

  • ELIJAH at ADRIANNA, waging Best Actor and Actress sa 2021 Central Boys Love Awards ng Brazil; TONY, ‘Hottie of the Year’

    BIG winners sa Brazil’s 2021 Central Boys Love Awards ang mga Pinoy BL series.            Gameboys, ang first Pinoy Boys’ Love series ay nagwagi ng apat na awards: Actor of the Year (Elijah Canlas), Actress of the Year (Adrianna So), Couple of the Year (Cairo and Gavreel) and Cast of the Year.   Meanwhile, Gaya […]

  • Food imports, target na subsidiya para pagaanin ang inflation sa Pinas

    SINABI ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ang food importation para dagdagan ang suplay at  targeted subsidies  sa mga  “most vulnerable sectors” ay makapagpapagaan sa mataas na  global inflation na lumigwak na sa Pilipinas.     “We have a comprehensive set of interventions to effectively balance the need to sustain growth momentum while containing […]