• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 ‘tulak’ tiklo sa P224K shabu sa Caloocan at Valenzuela

TIMBOG ang dalawang umano’y tulak ng illegal na droga, kabilang ang isang bebot matapos makuhanan ng mahigit P.2 milyong halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation sa Caloocan at Valenzuela Cities.

 

 

 

Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Paul Jady Doles, dakong alas-12:08 ng tanghali nang maaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Restie Mables sa buy bust operation sa BMBA Compound, 3rd Avenue, Brgy 118, si alyas ‘Cecil’, 39.

 

 

 

Nakumpiska sa suspek ang himigi’t kumulang 11 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P74,800.00 at buy bust money na isang P500 bill, kasama ang anim pirasong P1,000 boodle money.

 

 

 

Sa Valenzuela, natimbog naman ng mga operatiba ng SDEU ng Valenzuela police sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Lt. Joselito Suniega sa buy bust operation sa Bagumbong Road, Brgy. Bignay dakong alas-5:15 ng umaga si alyas ‘Regor’.

 

 

 

Sa report Lt. Suniega kay Valenzuela police chief Col. Nixon Cayaban, nakuha sa suspek ang nasa 22 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P149,600, buy bust money na isang P500 bill, kasama ang walong pirasong P1,000 boodle money, P300 recovered money at cellphone.

 

 

 

Pinuri naman ni NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas ang C aloocan at Valenzuela police sa kanilang matagumppay na operasyon kontra droga na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek na kapwa mahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 Article II of RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Kelot kalaboso sa pananakit at panghahablot ng cellphone

    SWAK sa kulungan ang isang 21-anyos na snatcher matapos hablutin ang mobile phone ng isang dalaga at sinamapak pa ang nagmalasakit na vendor Martes ng hapon sa Malabon City.     Nabawi ng mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 2 sa suspek na si Syruz Bronuela, residente ng No. 10 Lingkod Nayon, Brgy. Tugatog ang […]

  • Fil-Am Jalen Green babawi na lang sa next All-Star matapos sumablay sa slam dunk contest

    UMAASA ang Fil-Am star ng Houston Rockets na si Jalen Green na makakabalik pa rin siya sa susunod na taon para sa annual All-Star Slam Dunk contest.     Ginawa ni Green ang pahayag matapos na maraming fans ang nadismaya sa kanya dahil sa ilang pagkakamali niya sa execution sa slam dunk nitong nakalipas na […]

  • Vaccination program ng pamahalaan kontra COVID-19, apektado ng laganap na fake news

    Nababahala si NASSA/Caritas Philippines board member at Archdiocese of Cotabato Social Action Director Rev. Fr. Clifford Baira sa lakas ng paglaganap ng fake news maging sa malalayong nayon at lugar ay madaling naaabot nito.     Ayon kay Fr. Baira, nakakalungkot na ang maling impormasyon ay nakakapasok maging sa mga nasa kabundukan at liblib na […]