• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nag-e-enjoy sa pagiging ‘glam-ma’ ni Hailey: TERESA, ‘di itinanggi na siya mismo ang nagpa-rehab kay DIEGO

MASAYANG-MASAYA ang magaling na aktres na si Teresa Loyzaga dahil sa pagkakaroon ng sariling pamilya ng anak nila ni Cesar Montano na si Diego Loyzaga.
Ayon pa kay Teresa sa interbyu sa kanya ni Boy Abunda sa programang “Fast Talk ni Boy Abunda” ay nag-enjoy daw siya sa papel niya bilang ‘Glam-ma’ sa apong si Hailey
“I thought when I had my children, ‘yon na ‘yung highlight ng ‘mom’ in me. Iba ‘yung high ng lola.
“Hindi ko masabing it’s more than when I had my kids. I think it’s part of womanhood, na akala mo you graduate kapag mom ka na.
“May continuation pa pala kapag naging lola ka na. Ibang stage pa rin ng womanhood,” mahabang pagkukuwento pa ni Teresa.
As a mother masakit siyempre sa aktres ang mga pinagdaanan ng anak na si Diego nung mga nakalipas na taon.
Hindi naman itinanggi ni Teresa na siya mismo ang nagpasok sa anak sa isang rehabilitation center dahil sa pagkahilig ng aktor noon sa ipinagbabawal na gamot.
Kaya ganun na lang daw ang galit ni Diego sa kanya dahil sa naging desisyon niya
“Yes, because he wasn’t himself then. We have to understand na ‘yung mga mahal natin sa buhay kapag nalulong sa droga, kapag kinausap mo sila at binabastos ka nila, hindi sila ‘yon. ‘Yung gamot ‘yon eh.
“No’ng nawala lahat ‘yon, bumalik ‘yung anak ko then naintindihan niya. Ang tagal naming hindi nagkita. Ang hindi niya alam, bumibisita ako parati sa kanya kahit bawal kami magkita. That was part of his punishment for him to learn, to appreciate home, family.
“Kapag bumibisita ako do’n, pader lang ang pagitan namin, nandiyan siya sa kabila, hindi niya alam. Pero napapanood ko siya sa isang maliit na monitor, kung nasaan siya sa loob. Kapag kumakain siya, nagpapadala ako ng pagkain. There was one time tarpaulin lang ang pagitan namin, may butas ‘yung tarpaulin.
“Sabi niya sa akin, ‘You have to promise tatahimik ka ah. Hindi ka magpaparamdam.’ Sabi ko, ‘Promise!’ Gusto ko lang talaga makalapit. Nakasilip lang ako sa butas makita ko lang ‘yung anak ko, mahirap. What people do not know, I put him to rehab. It’s a part of me that died. But I wanted my son to live. So I had to put him to rehab,”  halos maluha luha pang mahabang pagkukuwento ni Teresa.
Samantala, nanatili ang pagiging magkaibigan nina Teresa at Cesar. Nagkita pa ang dating mag-asawa kamakailan sa birthday party ng kanilang apo.
“Nagkita kami sa birthday ni Hailey, magkakasama kami. I also met his partner. We had a little chat. I also told Diego, ‘Let’s have a lunch together, lahat na, together.’ Time is so precious, time is gold. Matanda na tayong lahat. Ayokong sirain pa na, ‘yung pride of your youth or a misunderstanding from the past maghi-hinder pa. Positive for the rest of the family,” lahad pa rin ng aktres.
***
ISANG malaking katanungan sa lahat ang hindi pagsipot ng Kapuso aktor Xian Lim sa mismong presscon ng pelikula niyang “Kuman Thong.”
Si Xian ang sumulat ng kuwento at direktor ng nasabing pelikula na kinunan ang mga eksena sa Bangkok, Thailand.
Kaya ganun na lang ang pagtataka ng lahat kasama ang mga namamahala ng nabanggit na movie.
Pati mga taong nasa likod ng project na ito ni Xian ay nagtaka sa hindi niya pagsipot sa press conference ng horror movie na magbubukas sa mga sinehan sa Hulyo 3, 2024.
Well, kung anumang dahilan ay bukod tanging si Xian lang nakakaalam, huh!
(JIMI C. ESCALA) 
Other News
  • Mga fans ‘bumaha’ sa kalsada ng San Fransciso

    BUMAHA ang mga fans sa mga kalsada ng San Fransisco kung saan isinagawa ang victory parade ng Golden State Warriors bilang selebrasyon sa makasaysayang pagsungkit ng korona bilang world champions sa NBA Finals.     Hindi napigilan ng mga players ng Warriors na bumaba sa kanilang bus upang makisalamuha sa crowd na matagal na oras […]

  • Ads September 11, 2024

  • Sec. Duque, hindi pa dapat maging kampante

    HINDI pa rin dapat maging kampante si Health Secretary Francisco Duque III na hindi siya makakasama sa  makakasuhan kaugnay sa iregularidad sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).   Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, panimula pa lamang naman ang ginagawang imbestigasyon ng task force PhilHealth kaya’t malaki ang posibilidad na may susunod na irerekomenda na makakasuhan […]