MGA NAVOTENO NAGPAKITA NG TALENTO SA FILM FEST, AT PHOTO COMPETITION
- Published on June 28, 2024
- by @peoplesbalita
MULING nagpakita ang mga Navoteño ng kanilang mga talento at kasanayan sa paggawa ng pelikula at photography sa 6th Navoteño Film Festival at 5th Navoteño Photo Competition and Exhibition.
Itinampok sa festival ang 8- hanggang 10 minutong maikling pelikula na nakasentro sa tema, “Navoteño LGBTQIA+, Mahalaga sa pag-angat ng Turismo at Ekonomiya.”
Labinsiyam na maikling pelikula, walo mula sa paaralan at 11 mula sa mga bukas na kategorya, ay ipinalabas nang libre noong Hunyo 22, 2024.
“We hope that through your films, we will be able to correct misconceptions about Navotas and its people, particularly those who belong to other gender identities,” ani Mayor John Rey Tiangco.
“Our goal is to produce quality short films and photographs that will put Navotas at the forefront of the booming creative industry in our country, show what our city can offer to potential visitors, and inspire our fellow Navoteños to promote a genderless society where everyone is treated and loved equally,” dagdag niya.
Sa kauna-unahang pagkakataon, ipinakita ng festival ang mga maikling pelikula sa open at school categories para bigyan ng pagkakataon at hikayatin ang partisipasyon ng mga Navoteño filmmakers sa lahat ng edad.
Bago ang film fest, ang mga kalahok sa kategorya ng paaralan ay dumalo sa isang dalawang araw na workshop sa paggawa ng pelikula sa pangunguna ng advocacy filmmaker at professor na si Sheryl Rose Andes.
Samantala, ipinakita ng 5th Navoteño Photo Competition and Exhibition ang Top 10 entries sa parehong school at open categories na akma sa tema ngayong taon, “Sulong Navoteña, sa Pag-unlad Ikaw ang Manguna!”
Isinagawa ang 6th Navoteño Film Festival at 5th Navoteño Photo Competition and Exhibition alinsunod sa pagdiriwang ng ika-17 na anibersaryo ng pagiging lungsod ng Navotas. (Richard Mesa)
-
Brownlee isa na sa mga PBA Greatest Imports
BITBIT ang isa na namang kampeonato, lalong hinigpitan ni Justin Brownlee ang kanyang puwesto sa tuktok bilang isa sa Greatest Imports sa kasaysayan ng PBA. May limang kampeonato na ngayon si Brownlee sahog pa ang dalawang Best Import awards matapos ang 3-2 panalo ng Barangay Ginebra kontra sa karibal na Meralco sa katatapos […]
-
DOTR: GAOR ng PMVICs IHINTO MUNA!
“Hold in Abeyance” yan ang order ng DOTr sa LTO at “conduct immediate and exhaustive review of the policy”ng GAOR. Pero hindi kusang loob pinahinto ito ng DOTr. Ito ay matapos ng sunud-sunod na batikos buhat sa mga motoristang apektado at maging mga transport groups tulad ng 1- UTAP. Nagpahayag din ang ilang mga […]
-
MAMAMAYAN, HINIMOK NA MAKIISA SA CATHOLIC E-FORUM
HINIMOK ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang mamamayan lalo na ang mga botante na makiisa sa isinagawang voters education ng simbahan na One Godly Vote na Catholic E-Forum. Ayon kay Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP Permanent Committee for Public Affairs, layunin ng talakayan na bigyang kaalaman ang publiko […]