• July 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOTR: GAOR ng PMVICs IHINTO MUNA!

“Hold in Abeyance” yan ang order ng DOTr sa LTO at “conduct immediate and exhaustive review of the policy”ng GAOR.  Pero hindi kusang loob pinahinto ito ng DOTr. Ito ay matapos ng sunud-sunod na batikos buhat sa mga motoristang apektado at maging mga transport groups tulad ng 1- UTAP.

 

 

 

Nagpahayag din ang ilang mga government officials ng pag laban dito. Matinding binanatan ni Sen. Grace Poe ang GAOR sa kanyang privilege speech pero tulad ng sinabi ni Sen. Ralph Recto “it might rise again from the dead”.

 

 

 

Dapat bukod sa review ng polisiya ay magimbestiga din ang kalihim ng DOTr  sa kung sino ang pasimuno ng malasadong polisiya ng GAOR na nilabas ng LTO.

 

 

 

Hindi ba yan dumaan kay Sec. Art Tugade bago inilabas? Si Usec Artemio Tuazon at si LTO Chief Edgar Galvante lang ba ang may pakana nyan? Hindi katanggap tanggap na pagkatapos pahirapan ng higit sa dalawang linggong pagpapatupad ng GAOR ang mga motorista ay magpapapogi ka na hold in abeyance muna at pag-aralan ng maigi ang GAOR. Pinalusot ba ito? Bakit hindi muna mag public hearing ang LTO at DOTR bago maglabas ng polisiya at hindi yun pag matindi ang latay ng batikos ay babawiin bigla.

 

 

 

Marahil ay dapat na rin magsalita ang mga operator ng PMVIC. Paano sila naenganyo na pumasok sa negosyong ito? Sa totoo lang hindi biro ang investment na ibinuhos ng mga ito para mag put up ng PMVIC.  Sino kausap nila sa DOTr?

 

 

 

Sa ngayon ay pasalamat tayo sa mga nakipaglaban para mapatigil ang kontrobersyal na GAOR.

 

 

 

Ang usapin ng PMVIC ay hindi mananahimik hanggat walang napapanagot dito, kung hindi sa panahon ng administrasyong ito ay sa susunod.  Kaya sa mga taga transport sector suportahan niyo ang mga taong handang ipaglaban ang hanay niyo at hindi yung mga magpapanatili ng mga polisiyang nagpahirap sa inyo. (Atty. Ariel Enrile – Inton)

Other News
  • Anak ni Pacquiao nagpakita ng talino

    NILADLAD ng ng anak ni eight-division world boxing champion, Sen. Emmanuel Pacquiao na si  Michael Pacquiao nang tamang masagot ang pito sa Walong tanong upang mapremyuhan ng P45K sa Eat Bulaga Bawal Judgmental TV noontime show nitong Miyerkoles, Disyembre 2.   Umiskor ang Ingleserong bata na ipinakilalang rapper art artist ng 3-of-4 sa opening stanza […]

  • Ads August 30, 2021

  • Ads December 5, 2022