• June 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PCCI-NCR inilunsad ang 2024 Metro Manila Business Conference

OPISYAL na inilunsad ng Philippine Chamber of Commerce and Industry – National Capital Region (PCCI-NCR) ang 2024 Metro Manila Business Conference (MMBC) na naglalayong ‘pagsamahin ang kalakalan, teknolohiya at turismo para sa sustainable transformation.’

 

 

Isinagawa ang paglulunsad sa ginanap na joint general membership meeting ng PCCI-NCR North Sector noong Miyerkules sa Casa del Polo, Barangay Polo, Valenzuela City.

 

 

Pinuri ni Valenzuela City Mayor Weslie ‘Wes’ Gatchalian at Malabon City Mayor Jeannie Sandoval, na siyang mga espesyal na panauhing tagapagsalita, ang kaganapan na nagsabing ito ay isang convergence ng mga makikinang na isipan at mga makabagong ideya.

 

 

Kapwa sinabi nina Gatchalian at Sandoval na ang sektor ng negosyo partikular ang PCCI ay palaging katuwang ng mga lokal na pamahalaan sa pagbuo ng bansa at pangunahin sa pagtataguyod ng paglago ng ekonomiya at pagbibigay ng trabaho sa kanilang mga nasasakupan.

 

 

Ipinagmamalaki nila ang pagpapatupad ng iba’t ibang business-friendly programs lalo na sa ‘ease of doing business’ schemes sa kani-kanilang mga lokal na pamahalaan sa kanilang hangaring makaakit ng mas maraming lokal at maging dayuhang mamumuhunan na magtayo ng kanilang mga negosyo at magbigay ng trabaho sa kanilang mga nasasakupan sa parehong oras.

 

 

Sinabi ni Dr. Hernando Delizo, PCCI-NCR Area Vice President at 2024 MMBC chairman, sa mga miyembro ng Camanava Press Corps sa isang press briefing bago isagawa ang opisyal na paglulunsad na mahigit 100 miyembro mula sa timog, hilaga at sentral na sektor ng PCCI-NCR ang naroroon sa kaganapan.

 

 

“The launch event showcased the theme of the 2024 MMBC: ‘Integrating Trade, Technology & Tourism for Sustainable Economic Transformation (3Ts for SET)’ with ‘Local integration, Global Outlook as sub-theme,” ani Delizo.

 

 

Ang highlight ng event ay ang pagsasama-sama ng mahigit 1,500 enterprise members sa August 21-22, 2024 sa Manila Hotel “for a conference to share information, trends, learning and relatable interventions to sustain growth and bring about business breakthroughs amidst continuing global disruptions,” sabi ni Delizo.

 

 

Sinabi pa ng opisyal na ang 2024 MBBC, PCCI-NCR, ay inaasahang tutugon sa mga pangunahing isyu na nakakaapekto sa pang-ekonomiyang tanawin ng rehiyon at magbibigay ng plataporma para sa networking at pakikipagtulungan sa mga lider ng negosyo.

 

 

Ang MMBC ay taunang event ng PCCI-NCR, isang non-stock at non-profit na organisasyon sa ilalim ng payong ng PCCI.

 

 

Nagsisilbi bilang panrehiyong organisasyon ng PCCI para sa pribadong komunidad ng negosyo sa Metro Manila, ang PNNC-NCR na gumaganap din bilang coordinative at administrative body para sa 16 chambers of commerce at industriya sa metropolis, sabi ni Delizo.

 

 

Ang iba pang opisyal ng PCCI na dumalo sae lauching ay sina Raymund Jude Aguilar, PCCI vice president for international affairs; Emelita Alvarez, regional governor for south sector; Yolanda dela Cruz, regional governor for north sector; Jose Francisco, regional governor for central sector; at Joel Ryan Tugade, PCC’s Sustainable Development Goals committee head. (Richard Mesa)

Other News
  • P20M iginawad ng DOLE sa mga manggagawang impormal

    MAHIGIT  800 na mga public utility vehicle (PUV) driver, solo parent, ambulant vendor, marginalized fisherfolk, person with disabilities, at iba pang vulnerable na mga manggagawa sa National Capital Region (NCR) ang nakatanggap ng P20 milyong tulong mula sa labor department.     Iginawad ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang tulong ng DOLE sa mga […]

  • ‘Love the Philippines’ slogan mananatili – DOT

    SA KABILA ng mga pagbatikos sa ginawang promotional video, pananatilihin pa rin ng Department of Tou­rism (DOT) ang bagong slogan na ‘Love the Philippines’.     Kinumpirma ni Tourism Secretary Christina Frasco sa isang ambush interview sa 2022 Philippine Tourism Satellite Accounts and Tourism Statistics Dissemination Forum, nang tanungin kung patuloy na gagamitin ng DOT […]

  • MM provincial bus operations posibleng buksan

    May mga provincial bus routes papunta at galing sa Metro Manila ang puwede ng muling buksan kung saan sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na kanilang ginagawaan ng paraan na mangyari.   Sinabi ni LTFRB Chairman Martin Delgra na ang kanilang ahensiya ay naghahanda na para sa muling pagbubukas ng ilang provincial […]