• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pwedeng gumanap sa remake ng ‘Ang Tanging Ina’: MELAI, nahihiya sa titulo na bagong ‘Comedy Queen’

SI Melai Cantiveros na raw ang maaaring tawagin na Comedy Queen of this Generation. 
Dahil daw sa nakikitang kagalingan ni Melai sa pagpapatawa.  Kumbaga sa kanyang kapanabayan ay nangunguna si Melai sa naturang larangan.
Pero nahihiya naman umano ang ko­medyana sa titulong ibinibigay sa kanya ng mga tagahanga.
“Thank you so much sa mga nagsasabi. I love you all pero nahihiya ako sa nagsasabi. Sobra akong hiya kasi siyempre ‘di ko naman masabi na ano.
“Sobra akong happy pero para sa akin siyempre ang dami ko pang dadaanan na mga butas bago ko pa makamit ‘yung mga ganyan,” pagpakumbaba pang banggit ni Melai.
May ilang mga tagahanga ni Melai ang nagsasabing ang komedyana raw ang pwedeng gumanap kung sakaling gawin ang remake ng pelikulang ‘Ang Tanging Ina’.
Pero para kay Melai ay talagang iniidolo at nirerespeto niya ang mga nakilalang ‘Comedy Queen” na si Ai Ai delas Alas.
“Hindi natin pwede i-bypass kasi siya talaga maraming napatunanyan na talaga. Andyn pa rin naman ang mga kagaya nina Ate Pokie (Pokwang), Ms. Eugene Domingo.
”So kung gagawin, why not pero sana wala tayo ma-hurt na kasaman at mga kaibigan.
“Gawa na lang tayo sarili natin,” giit ng komedyana.
***
HINDI raw naman itinago ni Nadia Montenegro ang anak daw nila ni Baron Giesler.
Ayon pa kay Nadia sa interbyu sa kanya ni Julius Babao ay hindi raw niya itinago sa mga mahal niya sa buhay ang tungkol sa pagkakaroon niya ng anak sa iba.
“‘Yong mga nangyari sa buhay ko before, in the past, siguro umabot sa 17, 18 years na naitayo ko.
“Hindi ko ito itinago sa mga taong dapat nakakaalam.
“Hindi ko rin ito itinago sa mga mahal ko sa buhay. Hindi ko itinago sa anak ko. Hindi ko itinago kay Boy [Asistio, Jr.]. Hindi ko itinago sa mga kapatid ko,” seryoso pang pahayag ng aktres.
“In fact, all these years, it was so difficult for people to understand. ‘Bakit okay sila
nagtagal sila ni Boy? Bakit sila okay ng mga anak niya kung may ganito?’” Banggit pa rin ni Nadia.
(JIMI C. ESCALA)
Other News
  • 158 lugar nasa ilalim ng State of Calamity dahil sa bagyong Kristine

    MAY KABUUANG bilang na 158 lugar ang idineklarang state of calamity matapos ang pananalasa ng Severe Tropical Storm Kristine.   Base sa pinakabagong situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang Bicol Region ang mayroong ‘most cities at municipalities’ ang inilagay sa state of calamity. Nakapagtala ito ng 78.   Kabilang […]

  • Reklamo vs Sen. Pimentel dahil sa paglabag sa quarantine protocols, submitted for reso na – DoJ

    INATASAN ngayon ng deputy state prosecutor ng Department of Justice (DoJ) na humahawak sa reklamo laban kay Sen. Koko Pimentel dahil umano sa paglabag nito sa quarantine protocols ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) na bilisan ang paglalabas ng resolusyon sa reklamo.   Kasunod na rin ito nang pagkumirma ni DoJ Senior Deputy State Prosecutor Richard […]

  • PBBM, umaasa na makadadalo sa climate change conference sa Dubai

    UMAASA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makadadalo sa 2023 United Nations Climate Change Conference sa Dubai sa Disyembre ngayong taon.     “I hope we will be able to attend because climate change is a primordial issue,” ayon kay Pangulong Marcos.     Si UAE Ambassador Extraordinary at Plenipotentiary Mohamed Obaid Salem Alqataam Alzaabi […]