• April 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nagpainit sa campaign video ng underwear brand: Sparkle hunk na si BRUCE, bagong pantasya ng netizens

ANG Sparkle hunk na si Bruce Roeland ang bagong pantasya ng netizens dahil sa paglabas ng kanyang campaign video para sa underwear brand na Bench Body.

 

 

Sa naturang 15-second video on Instagram, suot lang ng dating child actor ay black underwear, cowboy hat at naka-display ang kanyang rock hard abs.
Isa si Bruce sa nagpainit sa mga beki sa summer campaign ng Sparkle na Boys of Summer. Na-achieve ng Fil-Belgian hunk ang minimithing body transformation noong magkaroon ng pandemic dahil sa ginawa niyang full body workout.
“Ginagawa ko for myself kasi dati I used to be bullied a lot, ‘Ang payat mo!’ ‘Kumakain ka ba?’ Para daw akong skeleton na naglalakad. Siyempre, nahu-hurt ako doon. Nung pandemic, kumain ako nang kumain, workout, tulog, paulit-ulit lang. Kahit sa bahay lang, ‘yun lang ‘yung ginagawa ko nung pandemic,” kuwento ni Bruce na huling napanood sa teleserye na ‘Asawa Ng Asawa Ko.’
Kasama ni Bruce ang kapwa Kapuso stars na endorser din ng naturang underwear brand tulad nila Derrick Monasterio, David Licauco, EA Guzman, Gil Cuerva, Paul Salas, Yasser Marta, Luis Hontiveros, at Jeric Gonzales.
***
FIRST time na makapag-perform sa dalawang shows sa Amerika si former Manila Mayor Isko Moreno kasama ang Sparkle stars via ‘Sparkle World Tour 2024.’
Naranasan na ring mag-show sa ibang bansa ni Yorme noong ‘90s at sa Japan daw siya madalas mag-show noon. Ngayon ay mga kababayan sa Anaheim at San Francisco, California ang aaliwin nila nina Alden Richards, Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Boobay at Ai-Ai delas Alas.
“Marami tayong pasasayahin na mga Global Pinoys at kahit sa show namin ay mapalapit namin sila sa mga pamilya at  kamag-anak nila na matagal nilang hindi nakakasama,” sey ni Yorme.
Looking forward si Yorme sa magiging rehearsals nila ng Sparkle stars. Ilan nga raw sa mga ito ay nakasama na niya sa trabaho.
“Nakakatuwa sila kasi naaalala ko yung kabataan ko. Kailangan maka-keep up tayo sa energy nila. Pero ang maganda pa sa mga batang ito, kahit sikat na sikat sila, very down-to-earth sila at walang yabang. Ang babait nila at marespeto sa mga nakakatanda sa kanila.”
***
ANG Hollywood screen legend na si Gena Rowlands ay na-diagnosed with Alzheimer’s disease.
The 94-year old two-time Oscar nominee na may career na tumagal ng seven decades ay nakilala sa kanyang mga pelikulang ‘A Woman Under The Influence’, ‘Gloria’, ‘Opening Night’, ‘Another Woman’ and ‘The Notebook’ kunssan gumanap siya bilang babae na may dementia.
Ang actor-director na si Nick Cassavetes and nag-share ng balita tungkol sa kalagayan ng kanyang ina. 
“I got my mom to play older Allie, and we spent a lot of time talking about Alzheimer’s and wanting to be authentic with it, and now, for the last five years, she’s had Alzheimer’s. She’s in full dementia. And it’s so crazy — we lived it, she acted it, and now it’s on us.
Ang ina pala ni Gena na si Lady Rowlands ay nagkaroon din ng naturang sakit.
“I went through that with my mother, and if Nick hadn’t directed the film, I don’t think I would have gone for it — it’s just too hard. It was a tough but wonderful movie,” sey ni Gena sa isang 2004 interview with O magazine.
Huling napanood si Gena sa big screen in 2014 sa pelikulang Six Dance Lessons in Six Weeks. In 2015 ay ginawaran siya ng Honorary Oscar.
(RUEL J. MENDOZA)
Other News
  • Leviste pinupuntirya ang Olympics at SEA Games

    SOBRANG pahirap man, pero masunurin pa rin sa safety guidelines at health protocol ng Inter-Agency Task Force ang equestriane star na si Marie Antoinette ‘Toni’ Leviste at kanyang kabayo sa mga pagsasanay at paghahanda sa planong dalawang ng kompetisyon sa susunod na taon.   Ito ang 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Tokyo Japan sa […]

  • Russia, hindi papayagan ng Amerika na bayaran ang utang gamit ang mga dolyar na naka-imbak sa US banks

    HINDI  na papayagan ng US ang Russia na bayaran ang utang nito gamit ang mga dolyar na nakaimbak sa mga bangko ng Amerika, isang pagbabago na naglalayong magdagdag ng presyon sa Moscow.     Sinabi ng press secretary ng White House na si Jen Psaki na layunin nito ay upang maubos ang mga mapagkukunang pinansyal […]

  • Ads May 10, 2024