• July 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Navotas nagbigay ng cash incentives sa public school grads

NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng cash incentives sa mga nagtapos ngayon taon sa mga pampublikong paaralan bilang bahagi pa rin ng pagdiriwang ng ika-17th cityhood anniversary.

 

 

Nasa 5,008 Grade 6 at 2,276 Grade 12 ang kumpletong nakatanggap ng kanilang P500 at P1,000 cash grants noong June 26-27, 2024.

 

 

Ang mga graduates sa Navotas Polytechnic College ay nakatanggap din ng P1,500 matapos ang kanilang graduation ceremony ngayon taon.

 

 

Ang pamamahagi ng mga insentibo ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng lungsod na hikayatin at suportahan ang mga mag-aaral sa kanilang academic journeys.

 

 

Sa pamamagitan ng pamimigay ng tulong pinansyal, layunin ng lungsod na mabawasan ang pasanin sa mga pamilya at matiyak na ang mga mag-aaral ay makapag-pukos sa kanilang pag-aaral nang walang karagdagang stress sa pera.

 

 

“These incentives are a testament to our commitment to nurturing your potential. By investing in your education, we are laying the foundation for a brighter future for Navotas,” sabi ni Mayor John Rey Tiangco sa mga estudyante.

 

 

“The world is full of opportunities. Don’t be afraid to dream big and high. Dream for your future. Keep studying, asking questions, and learning. Completing your education is just the beginning of many more steps towards success. We at Navotas government are always here to support you,” dagdag niya.

 

 

Nagsimula ang Navotas sa pamimigay ng cash incentives sa mga pampublikong elementarya, senior high at tertiary school graduate ng lungsod noong 2019 sa bisa ng City Ordinance 2019-03.

 

 

Ang inisyatibang ito ay bahagi ng pagsisikap ng Navotas na isulong ang edukasyon at magbigay ng patuloy na suporta sa mga mag-aaral nito, na tinitiyak na sila ay nilagyan ng mga kasanayan at pag-iisip na kailangan upang umunlad sa kanilang piniling mga pagsisikap. (Richard Mesa)

Other News
  • Anti Terrorism Act, pinagtibay ng SC

    Pinagtibay ngayon ng Korte Suprema ang RA 11479 o Anti Terrororism Act of 2020.     Pero mayroong ilang probisyon dito ang idineklarang labag sa batas.     Sa inilabas na abiso ng Supreme Court en banc, kabilang sa mga idineklarang labag sa batas ay ang Section 4 tumutukoy ito sa Terorismo.     Sa […]

  • Senate hearings kaugnay sa Maharlika Fund bill, sisimulan na sa Pebrero

    MAAARING simulan na sa buwan ng Pebrero sa susunod na taon ang deliberasyon ng Senado kaugnay sa Maharlika Investment Fund (MIF) bill.     Ginawa ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang pahayag habang hinihintay ng Senado ang pinal na bersyon ng House of Representatives.     Dahil ang mga sesyon ay ipinagpaliban sa parehong […]

  • Pinas, bahagi na ng ‘VIP Club’

    BAHAGI na ng ” VIP Club” ang Pilipinas, listahan ng Southeast Asian countries na may best-performing economy.     Sinabi ni  Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. na binansagan ng economic leaders sa World Economic Forum (WEF) ang Pilipinas bilang bahagi na nga ng “VIP Club.”     Tinuran ng Pangulo na ang partisipasyon ng Pilipinas […]