• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

212 Navoteños hired-on-the-spot sa mega job fair

BILANG bahagi ng ika-17th cityhood anniversary celebration, nagsagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng job opportunities at nagbigay ng suporta sa mga small businesses.

 

 

 

 

Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, itinampok sa Mega Job Fair, na inorganisa ng City Public Employment Service Office (PESO), ang 50 partner companies na nag-aalok ng mahigit 6,000 job opportunities sa iba’t ibang industriya.

 

 

 

Mahigit 300 Navoteños na naghahanap ng trabaho ang nag-aplay sa naturang mega job fair kung saan umabot sa 212 individuals ang hired on the spot.

 

 

 

Ang aktibidad ay nagsilbi rin bilang one-stop-shop para sa mga nangangailangan ng serbisyo mula sa government agencies tulad ng Philippine Statistics Authority, Pag-IBIG, Social Security System, at PhilHealth.

 

 

 

Bumisita naman si Mayor Tiangco sa job fair saka binati niya ang mga natanggap kaagad sa trabaho at pinaalalahanan na pagbutihin nila ang mga trabahong kanilang natanggap. (Richard Mesa)

 

Other News
  • 8,241 o 72.28% pumasa mula sa 11,402 examinees sa first digitalize Bar exam – Justice Leonen

    INANUNSYO ngayon ni Supreme Court associate justice at Bar Examinations chairperson Marvic Leonen na umaabot sa 8,241 ang mga pumasa sa kauna-unahang digitalized Bar examinations na isinagawa noong nakalipas lamang na buwan ng Pebrero ng taong kasalukuyan.     Ang naturang bilang ng mga nakapasa ay katumbas ng passing rate na 72.28%.     Ayon […]

  • 2nd place sa Paris Diamond League Obiena winasak ang sariling Philippine record

    Kasabay ng pag-angkin sa second place ay ang pagtatala ni national pole vaulter Ernest John Obiena ng bagong Philippine record.     Lumundag si Obiena ng 5.91 meters para basagin ang kanyang personal best at national record na 5.87m sa Paris Diamond League sa Stade Charlety, Paris, France.     “A 2nd place finish at […]

  • Asa Miller nabigo sa unang event na kanyang nilahukan

    HINDI nagtagumpay sa giant slalom event ng 2022 Beijing Winter Olympics ang nag-iisang pambato ng bansa na si Asa Miller.     Sa loob lamang kasi ng 21 segundo ng laro ay bigla na lamang bumagsak sa kumpetisyon ang 21-anyos na Filipino-American player sa first run nito.     Dahil dito ay hindi siya nakapasok […]