• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pangarap ding makasama si Vilma sa movie: DINGDONG, ayaw magkomento tungkol sa pagtakbong Senador sa 2025 Elections

AYAW magkomento ni Box Office King Dingdong Dantes tungkol sa sinasabing pagtakbo niya bilang Senador sa 2025 elections.

 

 

Isa kasi ang Kapuso aktor na sinasabing pambato ng oposisyon at base sa latest survey ay pasok si Dingdong sa magic 12.

 

 

Kilala si Dingdong sa pagiging matulungin lalong-lalo na sa mga kapwa niya artista. Kaya kung mabigyan ng pagkakataon ay tiyak na isa sa karagdagan si Dingdong sa mga nasa pamahalaan na tutukan ang industriya ng pelikula at telebisyon.

 

 

Pero paliwanag pa ni Dingdong na mas gusto raw niyang tutukan ang pamumuno niya ngayon sa Aktor.ph.

 

 

“Right now I’m committed to Aktor. Dito talaga ang buong dedication ko for the next three years.

 

 

“Yung aking trabaho sa GMA, yung pagiging navy reservist ko rin. Doon nakatutok lahat bg effort ko ngayon,” sey pa ni Dingdong.

 

 

Speaking of Aktor.ph masayang masaya si Dingdong sa ipinakitang interes pa rin ng lahat ng opisyales ng samahan na kagaya nina Piolo Pascual, Iza Calzado, Mylene Dixon, Jasmine Curtis-Smith at iba pang miyembro.

 

 

Ang mapaunlad daw ang industriya ay ang motibo nilang lahat.

 

 

“Ang maganda dito, eh di lang naman basta basta usapan ito na parang lika good time tayo, gawa tayo pelikuka.

 

 

“Pinag-usapan namin talaga kung ano ang gusto namin for the future.

 

 

“Nakakatuwa talaga like si Piolo is very pro-active sa kung and ang pwede niyang ma-contribute sa industriyan,” lahad pa rin ng magaling na aktor at TV host.

 

 

***

 

 

SPEAKING of Dingdong isa sa mga dream ng aktor ay ang makasama si Vilma Santos sa pelikula.

 

 

Sana nga raw ay mabigyan siya ng pagkakataon na magkaroon ng project kasama ang Star for All Seasons.

 

 

“Siyempre naman. Sino ba ang ayaw makasama ang isang Ate Vi sa isang project.

 

 

“Sa totoo lang, kahit ‘di ko pa siya nakasama sa pelikula, pero parang nakasama ko na siya forever,” lahad pa ni Dingdong.

 

 

“Of course thats a dream. Sana lang matupad,” sey pa ng Kapuso aktor.

 

 

Kaya ba ganun na lang ang pag-iindorso sa Ninang Vi niya para sa National Artist for Film and Broadcast?

 

 

“Sa totoo lang naman, na sa kanya ang apat na katangian kung bakit nararapat siyang maging National Artist.

 

 

“She’s a paragon of professionalism, shes a cultural champion, shes a protector of a community and most importantly a nation builder, “ paliwanag pa ni Dingdong.

 

 

“Sa panahon ngayon madali tayong maligaw sa napakaraming nangyayari especially for the younger generation.

 

 

“Ito yung pamantayan, ito yung parang titingalain natin. I think mas less yung chance na maligaw sa industry na ito,” banggit pa ni Dingdong.

 

 

 

(JIMI C. ESCALA)

Other News
  • Eala itutuloy ang astig sa taong 2021

    MAGPAPAHINGA na muna mula sa mga kompetisyon si Alexandra ‘Alex’ Eala.   Maganda na rin ang taon para sa Pinay tennis sensation, kahit sabihin pang may pandemyang Coronavirus Disease 2019 o Covid-19.   Ito’y dahil sa nagkampeon ang 15-anyos na atleta sa 108th Australian Open 2020 Juniors girls doubles kasama si Indonesian Priska Nugroho bilang fourth […]

  • OBRERONG DINAKIP SA PANANAKIT SA KA-LIVE-IN, WANTED

    NATUKLASAN may nakabinbin na warrant of arrest para sa kasong robbery at illegal possession of firearms and ammunition sa probinsya ng Pampanga ang isang 24-anyos na construction worker na inaresto dahil sa pananakit sa kanyang live-in partner sa Malabon city.     Si Robel Busa ng 4th St. Brgy. Tañong ay nadakip dakong 8 ng gabi […]

  • 18-anyos na Top 1 most wanter Navotas, timbog

    ARESTADO ang isang 18-anyos na murder suspect na tinaguriang Top 1 Most Wanted Person sa Navotas City nang bumalik sa kanyang tirahan makalipas ang dalawang buwan pagtatago sa Navotas Fish Port Complex (NFPC).   Ayon kay Navotas police chief P/Col Rolando Balasabas, alas-2:10 ng hapon nang isilbe ng mga elemento ng Warrant and Subpoena Section […]