• September 27, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

OBRERONG DINAKIP SA PANANAKIT SA KA-LIVE-IN, WANTED

NATUKLASAN may nakabinbin na warrant of arrest para sa kasong robbery at illegal possession of firearms and ammunition sa probinsya ng Pampanga ang isang 24-anyos na construction worker na inaresto dahil sa pananakit sa kanyang live-in partner sa Malabon city.

 

 

Si Robel Busa ng 4th St. Brgy. Tañong ay nadakip dakong 8 ng gabi matapos humingi ng tulong sa pulisya ang kanyang live-in partner nang bugbugin umano siya nito makaraan ang kanilang pagtatalo.

 

 

Tinurn-over ang suspek ng mga umarestong pulis sa Women and Children Protection Desk (WCPD) subalit, bago iprisinta sa Malabon City Prosecutor’s Office para sa kasong paglabag sa R.A 9262 o Violence Against Women and their Children’s Act ay inaalam ang kanyang personal records para sa verification.

 

 

Nadiskubre kalaunan ng pulisya na may kasong robbery at paglabag sa R.A. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at may nakabinbin na warrant of arrest na inisyu ni Judge Mary Jane Dacara Buenaventura of Regional Trial Court (RTC) Branch 143 Third Judicial Region ng San Fernando Pampanga si Busa.

 

 

Walang naipakita ang suspek na released order o kahit anong dokumento para sa kanyang kaso na naging dahilan upang ipasok ito sa custodial facility ng Malabon police. (Richard Mesa)

Other News
  • Pagsasailalim sa MGCQ, wala pang definite date- CabSec Nograles

    WALA pang siguradong petsa kung kailan na ang buong bansa ay isasailalim sa Modified General Community Quarantine (MGCQ).     Ang MGCQ ay protocol kung saan ay pinapayagang palawigin ang public transport at business operations at paluwagin ang restriction sa mass gathering.     Sa virtual presser ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ay sinabi nito […]

  • Sikreto sa masaya at successful na buhay: LOVELY at BENJ, parehong may masaganang spiritual life

    SI Alden Richards ang inspirasyon ng Sparkle talents na sina Anjay Anson at Jeff Moses.     Ayon sa dalawang showbiz newcomers, ang mga na-achieve ni Alden bilang artista at businessman ang gusto nilang ma-achieve din balang-araw. Bilib sina Anjay at Jeff sa pagiging masipag na tao ni Alden. At kahit sikat na itong artista, […]

  • Country classification, suspendido simula Pebrero 1

    SIMULA Pebrero 1, 2022 ay suspendido muna ang country classification o ang green, yellow at red classification ng mga bansa, teritoryo at hurisdiksyon     Sinabi ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secetary Karlo Nograles, base ito sa ipinalabas na IATF resolution No. 159.     Sa darating na Pebrero 10 naman ay bubuksan na […]