• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

US-Philippines nuclear deal, pinaiimbestigahan

NANAWAGAN si House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Partylist Rep. France Castro sa pagsasagawa  ng agarang imbestigasyon sa kalalagdang civil nuclear cooperation agreement sa pagitan ng United States at Pilipinas.
Dahilan ng mambabatas, ang magiging epekto ng nasabing kasunduan nito sa public safety at kalikasan.
Sa House Resolution 582, isinusulong ng mambabatas na maimbestigahan ang “123 Agreement” kung saan pinapayagan ang US na mag-export ng nuclear equipment and material sa Pilipinas.
“The newly signed civil nuclear cooperation deal between the US and the Philippines was the fastest negotiated in the history of such agreements because of the extremely unequal status of the two countries; one is the neo-colonizer while the other is the neo-colony,” ani Castro.
Sinabi nito na sa sandaling maipatupad ang 123 Agreement ay magkakaroon ng legal na basehan para sa US exports ng nuclear equipment and material sa bansa.
“Ibang usapin kung simpleng research o pag-aaral lang sa nuclear energy pero ang mahirap dito baka tayong mga mamamayang Pilipino ang ma-123 at maging mga guinea pigs ng teknolohiyang ito na tinetesting pa lang ng US,” dagdag nito.

Nagpahayag din ng pangamba ang mambabatas sa potensiyal na nuclear accidents dahil mahirap umano ang ganitong teknolohiya bukod pa sa posibleng nuclear leaks na maaring mangyari lalo pa sa iba pang gagamitin nila na ‘high-temperature gas reactor.

“and its fuel source, known as high-assay low enriched uranium tristructural isotropic fuel pellets ay kayang magkalat ng radioactivity sa malawak na lugar at maaaring pumatay sa mamamayan, mga hayop at mga puno, iko-contaminate din nito ang kalupaan.” (Vina de Guzman)
Other News
  • ‘Kailanman hindi bibitawan ng Rockets sa trade si Harden’

    HINDI umano kailanman bibitawan ng Houston Rockets ang kanilang superstar na si James Harden pagsapit ng trade season sa NBA.   Ginawa umano ng ilang opisyal ng Rockets ang pahayag matapos na lumutang ang isyu na interesado raw ang Philadel- phia kay Harden kapalit ni Ben Simmons.   Napikon pa umano ang naturang opisyal ng […]

  • “UNCHARTED” REVEALS FIRST-LOOK OF TOM HOLLAND AS NATHAN DRAKE

    COLUMBIA Pictures has un- veiled the first-look images its upcoming action adventure Un- charted, adapted from the massively popular PlayStation/ Naughty Dog video game franchise.   Get your first look at Tom Holland as the young Nathan Drake and other iconic images in the stills below.   In his interview with Collider.com, Holland revealed the […]

  • Ukraine Athletes inalala ang mga sundalo

    Binigyang ng pagkilala ng ilang mga atleta mula sa Ukraine ang kanilang mga mamamayan na pinatay ng mga sundalo ng Russia.   Ang mga atleta ay kinilala na sina tennis star Elina Svitolina at Premier League soccer players Oleksandr Zinchenko at Mykhailo Mudry at ang boksingero na si Oleksandr Usyk.   Naglabas sila ng video […]