‘Kailanman hindi bibitawan ng Rockets sa trade si Harden’
- Published on October 31, 2020
- by @peoplesbalita
HINDI umano kailanman bibitawan ng Houston Rockets ang kanilang superstar na si James Harden pagsapit ng trade season sa NBA.
Ginawa umano ng ilang opisyal ng Rockets ang pahayag matapos na lumutang ang isyu na interesado raw ang Philadel- phia kay Harden kapalit ni Ben Simmons.
Napikon pa umano ang naturang opisyal ng Houston dahil hindi sumasagi sa kanilang isipan na mawalay si Harden kahit ito pa ang magpahiwatig nang kagustuhang lumipat.
Ilang beses na ring idineklara ng Houston na palalakasin pa nila lalo ang team sa pangunguna ni Harden.
Una na ring lumutang ang posibilidad na ilang teams naman sa NBA ang nag-aambisyon din na makuha sa trade ang ka-tandem ni Harden na si Russell Westbrook.
-
Barangay captain niratrat ng riding-in-tandem sa Malabon, todas
NASAWI ang isang 69-anyos na barangay captain matapos pagbabarilin ng isa sa dalawang hindi kilalang mga suspek sa Malabon City, kahapon ng umaga. Bandang alas-4:30 ng hapon nang malagutan ng hininga habang ginagamot sa MCU hospital sanhi ng tinamong tama ng bala sa tiyan at kaliwang bahagi ng katawan ang biktimang si […]
-
PBA naghahanda na sa season opening
Pinaplantsa na ng PBA management ang lahat para sa pagbubukas ng PBA Season 46 Philippine Cup na inaasahang masisimulan na sa susunod na buwan. Pangunahing prayoridad ng PBA ang mga health protocols na gagawin bago simulan ang season. Hindi naman na bago ang liga sa ganitong sitwasyon dahil nagawa na ito […]
-
PBBM, wala pa rin napipisil na DOH, DND secretaries
MASAYA pa rin daw si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa performance ng mga officers-in-charge ng Depertment of Health at Department of National Defense, ito habang idinidiing wala pa siyang napipisil na mga permanenteng kalihim ng mga naturang kagawaran. Ito ang ibinahagi ni Bongbong, Huwebes, habang nasa sidelines ng Kadiwa ng Pasko caravan sa […]