• March 28, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Umani ng iba’t-ibang reaksyon ang balitang pagtakbo: VILMA, aprub na magbalik-pulitika pero hindi sina LUIS at RYAN

UMANI ng iba’t-ibang reaksiyon ang sinasabing pagtakbo diumano sa susunod na eleksiyon ng mag-iinang Vilma Santos-Recto, Luis Manzano at Ryan Christian Recto.

 

 

Nahilingan muli si Ate Vi na tumakbong Gobernador ng probinsiya ng Batangas ngayong matatapos na ang termino ng kasalukuyang nakaupong Gobernador.

 

 

 

Hindi lang mga pulitiko kundi halos karamihan ay mga ordinaryong mga Batangueño ang humihiling na magiging ina muli ng Batangas ang multi awarded actress.

 

 

But this time, hindi lang si Ate Vi kungdi pati rin ang dalawa niyang anak.

 

Si Luis daw ang tatakbong bise gobernador at si Ryan naman ang tatakbong congressman sa lone district ng Lipa, Batangas.

 

 

Maraming mga taga-Batangas ang tuwang-tuwa sa balitang ito at may mga nagsasabi pang tiyak daw na mag-aatrasan na ang ilang pulitikong nagpaplanong tumakbong gobernador, vice governor at congressman.

 

 

Pero may mga ayaw naman sa desisyong ito at sana nga raw si Ate Vi na lang daw muna ang magbabalik-pulitika at wag daw munang makisawsaw sina Luis at Ryan Christian.

 

 

Pero hindi pa rin naman malinaw kung magkakasabay silang mag-iina, o kung sino ang mauuna sa kanilang tumakbo.

 

 

Pero sa totoo lang naman ay nangangamoy pulitika na rin si Luis na sinasabi niyang bukas sa posibilidad na pasukin ang pulitika. Lalo na si Ryan Christian na lagi nang nakikita sa Batangas at malapit naman talaga siya sa mga tao.

 

 

Kasalukuyang nasa America si Ate Vi for a much needed vacation at nakatakdang bumalik sa Pilipinas this coming Sunday.

 

 

Pero kahit nasa bakasyon ay masipag pa rin namang sumagot thru messenger ang iniidolong aktres.

 

 

“Natapos ko ang termino ko as a mayor, natapos ko rin ang three term as governor at six years akong naging congresswoman.

 

 

“Bale 24 years ang ibinigay kong sinserong serbisyo ko sa mga Batangenyo. Kasi sila rin ang nagbigay sa akin ng sinserong tiwala para maging isang leader—first woman Mayor, first woman Governor, and then ang kauna-unahang Congresswoman din ng 6th district ng Batangas, Lipa City… sobra-sobra.

 

 

“Kung ngayon ay nahihilingan naman nila uli na tumakbo na maging nanay ng lalawigan ng Batangas, ito’y ipinagdarasal ko, sa totoo lang. Kasi, siyempre ang pagsisilbi, hindi ganun kadali ‘yan.

 

 

“Naranasan ko na yan. Talagang dapat ibigay ang puso’t kaluluwa, at talino, pagdating sa pagseserbisyo sa tao. Ahhh…dapat maibalik ang tiwalang ibibigay sa ‘yo

 

 

“Ngayon, I’m praying for it, nahihilingan ako…so, I’m praying for it. Pag ibinigay naman ni Lord ang sign, like what happened before, I will do it. Pag hindi naman niya binigay, mahirap sumusugal na hindi ka nakahanda.

 

 

“So, pinag-uusapan pa rin yan. Tutal ang filing ay sa October pa,” makahulugang sambit pa ng multi awarded actress at politician.

 

 

***

 

 

STILL on Vilma Santos-Recto, pagdating daw sa mga anak niyang sina Luis at Ryan Christian, ayon kay Star for All Seasons, lumaki na raw sila sa pulitika, at bahagi na rin ang mga anak niya sa mundo nila ng asawang si Sec. Ralph Recto.

 

 

Ang lahat daw ay ipinagkatiwala na niya sa Panginoon.

 

 

Kumbaga, kung ipag-adya raw na papasukin o maging pulitiko na rin sina Luis at Ryan nasa Itaas na rin daw yun.

 

 

Aware na naman daw ang mga ito sa takbo ng pagiging public servant, huh!

 

 

“Lumaki naman ang dalawang anak ko na nasa politics din naman ako . lumaki naman si Ryan na isa na rin akong public servant. Alam nila yung trabaho ko lalo na with Ralph also. Alam nila ang trabaho namin bilang isang public servant, at sa gobyerno.

 

 

“Ngayong naging Secretary (Department of Finance) si Ralph, maraming mga bagay na hindi kayang puntahan ni Ralph, so nagiging representative niya yung dalawa kong anak, si Lucky at si Ryan.

 

 

“Naging open sila sa proyekto at mga programa sa Batangas. At nakikita nila ngayon ang totoong buhay ng mga tao.

 

 

“Siguro susuportahan ko sila, dahil nakikita ko ngayon na handa na ang puso nila. Iyun ang importante kasi e. Ang serbisyo napapag-aralan e. Pero ang puso, iyun ang pinaka-importante para ibigay mo ang serbisyo sa mga tao na magbibigay sa ito ng tiwala, iyun ang importante.

 

 

“Sa ngayon sa totoo lang, nakikita ko ‘yun kay Lucky at Ryan. But again, lahat yan nasa kamay na ng Panginoon. Pag ginusto Niya, nandito kami para sumunod at magsilbi. Siya rin naman ang masusunod.” Sey pa ng Dekada Awardee at Best Actress nominee sa darating na 40th Star Awards for movies.

 

 

 

(JIMI C. ESCALA)

Other News
  • Nagulat nang malaman ang nangyari sa kaibigan: CARLO, ipinagdarasal na malampasan ni SANDRO ang pagsubok

      KAIBIGAN pala ni Carlo San Juan si Sandro Muhlach na nasasangkot ngayon sa isang malaking kontrobersiya.     Naging magkaibigan sila dahil sa Sparkle.       Noong nalaman niya ang nangyari, ano naging reaksyon niya?   “Siyempre nalungkot po ako kasi kaibigan ko yun e, parang ayun po yung nangyari sa kanya. Ayun […]

  • Utos ng COA sa SEC, i-refund ang mahigit sa ₱92.7M na ‘irregular salaries’

    IPINAG-UTOS ng Commission on Audit (COA) sa  Securities and Exchange Commission  na i-refund ang mahigit sa ₱92.7 milyong piso na ipinasahod sa mga opisyal at empleyado na natuklasang ‘irregular.’     Binasura ng COA ang  motion for reconsideration na inihain ng SEC at dating chairperson nito na si  Atty. Theresa Herbosa.     Pinagtibay ng […]

  • Paglilipat ng mga hinatulang inmates ipinatigil ng SC

    Ipinatigil pansamantala ng Supreme Court (SC) ang paglilipat sa kustodiya ng mga bilangguang pinatatakbo ng Bureau of Corrections (BuCor) ng mga bilanggong nahatulan ng korte dahil umano sa patuloy na banta COVID-19.   Sinabi ni SC Court Administrator Jose Midas Marquez na lahat ng nahatulang inmates mula Hulyo 29 hanggang Agosto 31 na dapat ililipat […]