Paglilipat ng mga hinatulang inmates ipinatigil ng SC
- Published on August 3, 2020
- by @peoplesbalita
Ipinatigil pansamantala ng Supreme Court (SC) ang paglilipat sa kustodiya ng mga bilangguang pinatatakbo ng Bureau of Corrections (BuCor) ng mga bilanggong nahatulan ng korte dahil umano sa patuloy na banta COVID-19.
Sinabi ni SC Court Administrator Jose Midas Marquez na lahat ng nahatulang inmates mula Hulyo 29 hanggang Agosto 31 na dapat ililipat sa mga pasilidad ng BuCor ay mananatili muna sa mga kulungan na pinatatakbo ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Base na rin ito sa kahilingan ni BuCor Director General Gerald Bantag na suspindihin muna ang paglalabas ng ‘commitment orders’ sa kanila para malimitahan ang galaw ng mga bilanggo at maiwasan ang hawahan.
Matatandaan na 21 bilanggo na sa New Bilibid Prisons (NBP) ang kumpirmadong nasawi dahil sa COVID-19 habang nasa 343 ang tinamaan nitong Hulyo 20.
Unang iniutos ng SC sa mga korte na ilagay muna sa kustodiya ng mga bilangguan ng pulisya ang mga bagong nahuhuling suspek sa krimen sa halip na sa mga city jails.
-
Ads February 24, 2023
-
Travel time mula port area papuntang Valenzuela, 10 minutes na lang
TEN minutes na lang ang travel time galing sa Port Area papuntang NLEX-Valenzuela sa Bulacan dahil sa malapit ng matapos na North Luzon Expressway Harbor Link C3-R10 project. “This will improve the movement of cargo between the Port Area and NLEX by shortening the travel time from the usual one hour to 10 minutes. […]
-
Salma Hayek reveals new detail about her ‘eternals’ character, Ajak
Salma Hayek reveals new details about her Eternals character. NOW that Shang-Chi and the Legend of the Ten Rings has been playing in theaters for nearly two weeks, eyeballs have slowly been turning to the next film on Marvel’s release slate. Similar to Shang-Chi, the next cinematic entry in the MCU will continue to introduce new and […]