Kelot na suspek sa pagpatay sa bebot sa Valenzuela, timbog
- Published on July 12, 2024
- by @peoplesbalita
ARESTADO ang isang construction worker na pangunahing suspek na pumatay sa isang babae at malubhang ikinasugat ng kasama nito makaraang masukol ng pulisya sa kanyang tirahan sa Valenzuela City.
Sa ulat, inabangan ng mga tauhan ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang 40-anyos na si alyas “Rey”, sa kanyang pag-uwi sa kanyang tirahan sa De Gula Compound, Brgy. Gen. T. De Leon, bitbit ang warrant of arrest na inilabas ng hukuman, na nagresulta sa kanyang pagkakadakip.
Batay sa rekord ng pulisya, nag-iinuman sa kanilang tirahan sa Paraffort, Brgy. Gen. T De Leon ang biktimang sina alyas “Lorelyn” at alyas “Ronnel”, kasama ang dalawa pang saksi noong gabi ng Mayor 20, 2024 nang pasukin ng akusado at walang habas na pinagbabaril ang dalawa.
Matapos ang pamamaril, tumakas ang lalaki, sakay ng motorsiklong minamaneho ng kasabuwat habang dinala ang mga biktima sa Valenzuela Medical Center kung saan idineklarang patay na ang babae sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan habang nagpapagaling pa si Ronnel.
Ayon kay Cayaban, sa ginawang imbestigasyon nina P/Cpt Armando Delima, hepe ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS), nakilala nila ang gunman na si alyas Rey nang magsagawa ng backtracking sa kuha ng mga CCTV sa lugar, pati na ng testimonya ng mga testigo kaya’t isinampa nila ang kasong murder at frustrated murder sa piskalya ng Valenzuela.
Nang umakyat sa korte ang kaso, naglabas ng warrant of arrest si Valenzuela City Regional Trial Court Presiding Judge Elena Alcantara Amigo-Amano ng Branch 282 noong Hulyo 5 laban kay ‘Rey’ na walang inirekomendang piyansa sa kasong murder habang naglaan ng P200,000 piyansa sa kasong frustrated murder. (Richard Mesa)
-
Ads October 8, 2022
-
Pinoy golfer Miguel Tabuena nagkampeon sa Idaho Open
Nagwagi si Filipino golfer Miguel Tabuena sa Idaho Open. Hindi naging maganda ang laro nito sa third round sa Quail Hollow Golf Club sa Boise, Idaho. Nagka-suwerte ito sa seventh round ng makapagtala ito ng eagle at birdie naman sa ika-siyam na round na nagtapos sa kabuuang 196 points. […]
-
Holder ng 5, 10 years-valid na driver’s license kailangang sumailalim pa rin sa periodic medical exams – LTO
Kailangan pa rin sumailalim sa periodic medical exams ng mga holders ng driver’s license na mayroong lima o 10 taon na validity, ayon kay Land Transportation Office chief Assistant Secretary Edgar Galvante. Paraan na rin aniya ito upang sa gayon ay matiyak na fit to drive pa rin ang mga motorista makalipas ang […]