• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, abala sa paghahanda sa SONA

HANDS on si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pagsasapinal ng kanyang magiging talumpati para sa kanyang pangatlong State Of the Nation Address (SONA) sa darating na Lunes, Hulyo 22, 2024 sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City.
Sa katunayan, ayon sa Presidential Communications Office (PCO) ay walang anumang engagement ang Pangulong Marcos khapon, Miyerkoles dahil abala ito sa paghahanda para sa kanyang pangatlong SONA.
“The President is on top of finalizing his SONA speech. He has no engagement today because he is preparing for the SONA,” ayon sa PCO.
Nauna rito, sinabi ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez na handa na ang Kamara para sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos Jr. na isasagawa sa darating na Lunes.
Sinabi ni Romualdez, na ang mga paghahanda para sa SONA 2024 ay matagumpay kaugnay naman ng isinagawang pinal na interagency meeting sa pagitan ng Office of the President, mga kinatawan ng Kamara at Senado at iba pang ahensya nitong Hulyo 15 para tiyakin ang seguridad sa SONA.
Ayon kay Romualdez habang ang SONA ay sumasalamin sa tagumpay ng administrasyong Marcos ay mai-outline rin ang plano ng Pangulo sa mga susunod na taon kabilang ang papel ng Kong­reso para dalhin ang mga prog­rama ng gobyerno sa mamamayang Pilipino.
Sinabi ni Romualdez na ang mahalagang talumpati sa bayan ng punong ehekutibo ay magbibigay ng komprehensibong pangkalahatang ideya sa progreso ng administrasyon at magtakda ng entablado para sa mga lehislatibong inis­yatibo sa hinaharap para isaayos ang landasin ng bansa. (Daris Jose)
Other News
  • NASITA SA FACE MASK, OBRERO KALABOSO SA BARIL AT SHABU

    KULUNGAN ang kinasadlakan ng isang 48-anyos na construction worker matapos mabisto ang baril at shabu makaraang masita ng mga pulis dahil walang suot na face mask sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.     Kinilala ni Valenzuela Police Sub-Station 3 Commander PMAJ Tessie Lleva ang naarestong suspek na si Eric Lian, ng 171 A. Fernando […]

  • Ads March 3, 2021

  • CHLOE ZHAO, first Asian female director na nanalong Best Director sa ‘Golden Globe Awards’; nagwagi rin ang ‘Nomadland’

    NAITAWID din ng Hollywood Foreign Press Association ang 78th Golden Globe Awards sa gitna ng pandemya at maraming kontrobersya sa kanilang nilabas na nominations.     Pinalabas ng live virtually ang Golden Globes sa dalawang locations: The Rainbow Room of the Rockefeller Center in New York hosted by Tina Fey and at the Beverly Hills […]