• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VP Sara Duterte, nilinaw na hindi biro ang pahayag niya na ‘designated survivor’ at hindi pagdalo sa SONA

NILINAW  ni Vice President at dating Education Secretary Sara Duterte na hindi siya nagbibiro at hindi bomb threat ang sinabi niya na itatalaga niya ang kaniyang sarili bilang designated survivor.
Inihayag ito ng bise presidente kasabay ng ginanap na Brigada Eskwela National Kickoff sa pangunguna ng SDO Cebu Province ng Region VII kanina.
Ayon sa kay Duterte, marami ang nakaligtaan kung ano ang pinupunto niya. Kaya para sa kaniya, kung hindi umano naintindihan ang pahayag niya sa unang pagkakataon, hindi na karapat-dapat na ipaliwanag pa.
”Karon rako nakakita nga kanang Vice President nga ginapangita ang ilang attendance sa tanan nga mga butang. Dili to siya joke. Dili pod to siya bomb threat.”
Una nang iniulat na sinabi rin ng pangalawang pangulo na hindi siya dadalo sa July 22 SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., dahil itinatalaga niya ang kaniyang sarili bilang designated survivor.
Sa U.S., ang designated survivor ay itinatalaga kung ang Presidente ay makikipagpulong sa lahat ng opisyal, kasama ang mga constitutionally designated successors gaya ng Vice President, Senate President, House Speaker at Supreme Court Chief Justice.
Sakaling may maganap na malagim na insidente na maaaring ikamatay ng Presidente at lahat ng successors, awtomatikong manunumpa ang sinumang Cabinet member na designated survivor bilang Presidente. (Daris Jose)
Other News
  • NAVOTAS PDLs NATURUKAN NA KONTRA COVID

    NASA 747 Persons deprived of liberty (PDLs) sa Navotas City Jail ang nakatanggap na ng kanilang unang dose ng Sputnik vaccine kontra COVID-19.     “PDLs are at high risk of contracting COVID-19 due to limited spaces in our city jail.  Through vaccination, we hope to ensure the health and wellness of our inmates and […]

  • 123 aftershocks niyanig ang lalawigan ng Masbate

    PATULOY na nakakapagtala ng mga aftershocks ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa lalawigan ng Masbate.     Ito ay kasunod pa rin ng pagtama ng magnitude 6.0 na lindol doon kaninang madaling araw.     Sa ulat ng kagawaran, as of 12:00 ng tanghali ay pumalo na sa 123 ang bilang […]

  • Text scams, maaaring galing sa labas ng Pinas-DICT

    MAAARING galing sa labas ng Pilipinas ang nasa likod o surce ng personalized text scams o unsolicited text messages.     Sinabi ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary Alexander Ramos, nakikipag-ugnayan na sila sa kanilang  international counterparts para idetermina kung mayroon silang naitala na magtuturo sa  IP address ng destination servers na […]