• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Text scams, maaaring galing sa labas ng Pinas-DICT

MAAARING galing sa labas ng Pilipinas ang nasa likod o surce ng personalized text scams o unsolicited text messages.

 

 

Sinabi ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary Alexander Ramos, nakikipag-ugnayan na sila sa kanilang  international counterparts para idetermina kung mayroon silang naitala na magtuturo sa  IP address ng destination servers na sangkot sa  text scams.

 

 

“Meron na kaming leads kung saan talaga ito nangyayari. Ang theory namin dito ay hindi ho ito local. Nagkataon lang na ang sistema is parang automated,” ayon kay Ramos.

 

 

“Ito ay hindi nangyayari sa Pilipinas lang, nangyayari rin ito sa ibang bansa kaya it’s a bigger effort, a bigger investigation para matukoy itong destination sites,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Sinabi pa rin ni Ramos,  isa ring  Executive Director  ng  Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na iniimbestigahan na ng  National Privacy Commission kung mayroong servers ang na-hacked,  subalit walang natuklasan.

 

 

Tinitingnan din ng mga ito ang pagbili ng bultong SIM cards upang matunton kung  saan nagmumula ang  text spams.

 

 

“Isa ‘yan sa paraan sa pag-trace sa pinag-orderan ng telco companies, na produce [nila] ang listahan kung sino ang mga individual o mga dealer… Isa ‘yan sa mga leads natin sa direksyon kung saan nagagamit itong SIM cards na ‘to,” ani Ramos.

 

 

Aniya pa, nagsasagawa na rin sila ng parallel investigation sa inarestong  Chinese at South Koreans  na di umano’y sangkot sa pagpapalaganap ng text scams sa bansa.

 

 

“Ang kanilang binibiktima, mga kababayan din nila sa ibang bansa. So, may parallel, pero ibang scheme naman ‘yan, ibang technique ‘yan,” anito.

 

 

Samantala, dalawang South Korean national na wanted sa P1 bilyon telephone scam ang bumagsak sa kamay ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa isinagawang operasyon sa BF Homes sa Paranaque City.

 

 

Kinilala ni CIDG chief Brig. Gen. Ronald Lee ang mga suspek na sina Juyeon Lee at Seung Yeol Lim na inaresto ng magkasanib puwersa ng joint operations ng CIDG, Anti-Transnational Crimes Unit and Intelligence Division ng South Korea at Bureau of Immigration (BI) agents.

 

 

Ayon kay Lee, ang 2 suspek ay kabilang sa red notice na inilabas ng International Criminal Police Organization (Interpol) dahil sa pagkakasangkot sa transnational crime.

 

 

Natuklasan sa imbestigasyon ng Interpol na sina Lee at Lim ay kabilang sa big-time telephone scam syndicate na kumikilos sa Pilipinas mula 2015 hanggang 2016 at nagpapakilalang mga bank officials at call center agent para maka pambiktima.

 

 

Si Lee ang tumatayong boss na nag-o-operate ng voice phishing call centers sa ilang malalaking opisina sa Metro Manila. Nabatid na nakakulimbat na ang grupo ng halos US$3.7 million (halos P210 million) sa 215 mga biktima sa loob lamang ng 6 na buwan.

 

 

Sa halos isang taon ng operasyon ng grupo umaabot na sa P1 bilyon ang kabuuang natangay ng sindikato. (Daris Jose)

Other News
  • Palalakasin ang slot ng A2Z, Kapamilya Channel, at TV5: Noontime show nina VICE at BILLY, sanib-pwersa nang mapapanood

    SANIB-PWERSA ang Lunch Out Loud at It’s Showtime para palakasin ang noontime slot ng A2Z, Kapamilya Channel, at TV5.     Simula sa Sabado, July 16, simula starting at 11 am back-to-back na mapapanood na ang dalawang programa. From 11 am to 12:45 pm ay mapapanood ang Lunch Out Loud tapos papasok naman ang It’s […]

  • PEOPLE’S BALITA, 38 TAON NANG NAMAMAYAGPAG

    HINDI lamang isang simpleng pagtitipon ang naganap noong Biyernes, Marso 15, 2024 sa Cabalen Restaurant sa West Ave., Quezon City dahil ipinagdiriwang ng Alted Publication ang 38 taon anibersaryo ng pagkakatatag  ng People’s Balita kundi isa ring natatanging araw kung saan nagkita-kita at nagtipon-tipon ang mga taong nasa likod ng publication at mga sumusulat sa […]

  • Obiena nakatutok sa mga sasalihang torneo

    HABANG napirmahan na ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) ang Mediation Agreement ng Philippine Sports Commission (PSC) ay tila hindi pa ito iniisip ni national pole vaulter Ernest John Obiena.     Sa panayam ng Radyo Katipunan 87.9 ay hindi sinabi ng Tokyo Olympics campaigner kung kailan niya lalagdaan ang nasabing kasunduan na […]