• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DBM, tiniyak sa mga guro ang pagpapalabas sa 2022, 2023 productivity bonus

TINIYAK ng Department of Budget and Management (DBM) na ipalalabas nito ang Performance-Based Bonus (PBB) ng public school teachers para sa Fiscal Years 2022 and 2023 sa kabila ng ipinalabas na Executive Order (EO) No. 61, may mandato na rebisahing mabuti ang Result-Based Performance Management System (RBPMS) at ang Performance-Based Incentive System (PBIS).
Inihayag ito ni DBM Secretary Amenah Pangandaman sa isinagawang forum kasama ang mga Teachers’ Dignity Coalition (TDC), sa pangunguna ng chairperson nito na si Benjo Basas.
Ang makasaysayang unang pagpupulong sa pagitan ng DBM at TDC ay humimay sa kalagayan ng PBB para sa FY 2022, epekto ng EO 61 sa PBB at Productivity Enhancement Incentive (PEI), resulta ng pag-aaral ng DBM-GCG (Governance Commission for Government-Owned or Controlled Corporations) at developments sa panukalang salary increase para sa FY 2024.
Ang pagpupulong ay mahalagang hakbang para tugunan ang mga concerns sa umento sa sahod ng mga guro at insentibo para sa mga ito matapos na kagyat na humingi ng paglilinaw ang TDC ukol sa mga nasabing usapin sa isang liham na ipinadala kay Pangandaman noong nakaraang Hulyo 4.
Sa naturang pagpupulong, siniguro ni Pangandaman na mahigpit na nakikipag-ugnayan ang DBM sa Department of Education (DepEd) para resolbahin ang isyu sa implementasyon na may kinalaman sa PBB, at siguraduhin na ang lahat ng mga kinakailangang requirements ay maibibigay para sa bonus distribution.
Kabilang na rito ang pagpapatunay ng isinumiteng Form 1.0 para sa ‘inclusion of personnel not reflected in the Department’s Personnel Services Itemization and Plantilla of Personnel (PSIPOP), incorrect information, at duplicate records, among others.’
Sa kasalukuyan, ang Form 1.0 submissions mula sa walong DepEd Regional Offices – National Capital Region, Ilocos, Cagayan, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, at Western Visayas — ay ibinalik para sa ‘revision at validation’ ng DepEd.
“We must understand that the sheer size and complex structure of DepEd inherently complicates the process,” ayon sa Kalihim.
“Napaka-tedious ng requirements ngayon, napakadaming dokumento. Timely po na ma-review natin ang components and submissions natin sa PBB. We will endeavor to streamline this process,” aniya pa rin.
Sa ilalim ng Executive Order No. 61, susuriin ng DBM ang RBPMS at PBIS upang hindi gaanong pabigat at mas epektibo ang proseso.
Tinuran ni Pangandaman na ang pagbabago ay dapat na naka-align sa Socioeconomic Agenda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Inisyatiba ng pamahalaan para sa madaling pagnenegosyo, Philippine Development Plan 2023-2028, at international standards.
Samantala, sinabi ng DBM na ang budget allocation para sa FY 2024 PEI ay ganap nang ipalabas para sa DepEd simula pa noong Enero ngayong taon.
Sa inaasahang salary increase para sa civilian government employees, kabilang na ang public school teachers, sinabi ng DBM na nakapaglaan na ng pondo para sa FY 2024 General Appropriations Act.
Sinabi ng DBM na ang bagong pag-aaral ukol sa sahod at benepisyo ay isinasagawa para gabayan ang ‘salary tunings’ sa hinaharap.
Layon ng pag-aaral na lumikha ng ‘competitive, sustainable, fair pay structure’ para sa mga government employees.
Sinasabi na may ilang opsyon na ipi-presenta kay Pangulong Marcos para sa nilalayon habang ‘specific details’ naman kaugnay ng implementation dates at panukalang rates ang isinasapinal pa.
Tiniyak naman ni Pangandaman sa TDC ang kahandaan ng DBM para tugunan ng kanilang mga pangangailangan.
“I hope we can do this [meeting] regularly para magkaron po tayo ng updates at solusyon sa mga issues. The DBM is open [to discussing] lahat po ng inyong pangangailangan. We will endeavor to solve whatever problem to the best of our abilities.” aniya pa rin.
Pinuri naman ng TDC at pinasalamatan si Pangandaman para sa agaran nitong pagtugon sa kanilang request para sa isang pulong.
“Thank you po dahil (because) it’s the first time we had a dialogue with the DBM Secretary. Una po kasi, Usec and Asecs po ang humaharap sa ‘min. We appreciate the gesture,” ayon kay Basas.
“Nakapagsalita ‘yung mga tao. [The meeting was] democratic, and nabigyan po talaga kami ng space ni Secretary mismo na, makapagsalita at makapagpahayag ng aming hinaing. With the aid of the Usecs and Asecs, right away meron mga sagot sa aming queries,” ayon pa rin kay Basas. (Daris Jose)
Other News
  • James Wan’s ‘Malignant’ First Trailer Reveals A Terrifying New Horror Movie

    FROM the mind behind the ‘Conjuring’ universe comes this new terrifying horror movie, Malignant.     The first trailer is here, from the director who brought you “Saw,” “Insidious,” and “The Conjuring” and watch below:https://www.youtube.com/watch?v=nnr8w5lRhC4&t=146s     Malignant is the latest creation from “Conjuring” universe architect James Wan (“Aquaman,” “Furious 7”).  The film marks director […]

  • Sec. Roque, agad nagbigay linaw sa anunsyong ‘special working holidays’ ang Nov 2, Dec 24 at 31

    NILINAW ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang kanyang sinabi na malabong irekonsidera at bawiin ng Malakanyang ang anunsyong ‘special working holidays’ ang November 2, December 24 at 31 dahil “isang taon na tayong nakabakasyon”.   “Alam nyo po, ang konteksto nito, ‘yung karagdagang araw na pinagpapatrabaho tayo, kasama na po ‘yung bisperas ng Pasko, bisperas […]

  • Aliw na aliw ang mga netizens sa kanilang Instagram post: DENNIS at JENNYLYN, larawan ng masayang pamilya kasama ang tatlong anak

    SINA Xian Lim at Kim Chiu ang tunay na “lovers in Paris” dahil doon sila nag-celebrate ng Pasko.     Nakakakilig ang mga litrato at video nila habang sweet na sweet na rumarampa sa mga pamosong lugar sa Paris tulad ng Eiffel Tower na bagay na bagay sa magkasintahang tulad nila.     And the […]