MV ng ‘Cherry on Top’, higit 8 million views na: BINI, nag-trending na naman dahil sa pagbatikos sa kanilang outfit
- Published on July 18, 2024
- by @peoplesbalita
NAG-TRENDING nga ang sikat na Pinoy girl group na BINI dahil sa pagbatikos ng ilang netizens.
Isang video ang nag-viral na ipinost sa isang P-pop group kung saan makikita ang members ng BINI na naka-cap, shades, at face masks, na napaliligiran ng kanilang security escorts nang dumating sa Mactan-Cebu International Airport.
May mga netizen na nagkomento na napaka-OA raw ang get-up ng mga ito kumpara sa mga mas sikat sa kanila na katulad ni Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.
“Ka-OA ba, feeling na sikat na sikat ahahaha KPOP na KPOP. Balutin niyo rin (mukha) niyo sa concert ha, para tapunan kayo ng kamatis ng mga taga-Cebu,” komento ng isang netizen patungkol sa BINI.
Isa pang netizen ang ikinumpara ang Ppop group sa asawa ni Matteo Guidicelli.
“(Sarah) continues to meet the expectations of her supporters and fans with her humility. She never acts like a ‘disney princess,’ whether at the airport or as a guest at events. Her humility sets her apart from others. I hope BINI will follow her example,” kasama ang photos nina Sarah at ng BINI, kuha sa airport.
May nagtanggol naman na ibang netizens at fans ng BINI at sinabing normal lang naman ang suot nila at baka nag-iingat lang sa kanilang health. Lalo pa nga’t matao ang airport at puwede pa rin silang makakuha ng virus.
Say pa ng kanilang fan, “Pag may mask, feeling sikat. Pag wala at nakitang walang makeup at mukhang pagod, todo okray naman sa looks. You really can’t win with people na epal at mema lang.”
Samantala, trending din ang newest music video ng BINI na “Cherry On Top”, dahil ilang oras pa lang ilabas ito noong July 11 ay nakakuha na ito ng mahigit one million views!
At wala pa ngang isang araw ay na-top trending na ito sa YouTube!
Kahapon nang i-check namin at higit 8 million views na ito after six days.
Nakipag-team up talaga ang BINI sa ilang sikat na K-Pop producers upang mabuo ang “Cherry On Top.”
Nakipag-collaborate sila kina Skylar Mones at Shintaro Yasuda.
Ang newest single ng BINI ay kasama upcoming album nila, ayon ng ABS-CBN Music head na si Roxy Liquigan.
Katatapos nga lang ng “BINIverse: The First Solo Concert” last month, at kasama sila matagumpay na Thanksgiving Concert ng Puregold last July 12.
Pero dapat paghandaan ng Blooms ang next concert nila sa October 4 na gaganapin sa Araneta Coliseum, Quezon City.
(ROHN ROMULO)
-
Ads March 2, 2024
-
Ex-Justice Sec. Vitaliano Aguirre bagong hepe ng NAPOLCOM
Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Justice Sec. Vitaliano Aguirre II bilang Commissioner ng National Police Commission (NAPOLCOM). Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesman Harry Roque nitong Lunes ng gabi. “We confirm that President Rodrigo Toa Duterte has signed the appointment of Mr. Vitaliano “Vit” Aguirre II as Commissioner of the National […]
-
P750 national minimum wage, iginiit
KASUNOD na rin ng 5.4% inflation rate at pagtaas sa presyo ng pangunahing bilihin, nanawagan ang Anakpawis Partylist sa kongreso na ipasa ang P750 National Minimum Wage bill na inihain ng Koalisyong Makabayan. Una ng tinuligsa ng grupo ang pinakahuling P33 wage increase na anila ay hindi sapat para punan ang P51 lost […]