• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pangulong Marcos sinasapinal na SONA

ISINASAPINAL na lamang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang laman ng ikatlong State of the Nation Address (SONA) sa Lunes.
Sa pahayag ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil, walang anumang engagement ang Pangulo kahapon.
Sinabi ni Garafil na personal na sinusulat ni Pangulong Marcos ang laman ng kanyang ulat para sa bayan.
“The President is on top of finaling his SONA speech. He has no enggament today because he is preparing for the SONA”, ayon pa sa kalihim.
Sinabi pa ng kalihim na kasama sa ginagawa ng pangulo ang pag-edit mismo ng kanyang SONA speech.
Nauna nang sinabi ni Pangulong Marcos na nakatutok sa lagay ng ekonomiya ng bansa, kampanya ng pamahalaan laban sa kriminalidad at ilegal na droga, ang pagpagpapabuti sa buhay ng mga Filipino ang laman ng kanyang SONA.
Inaalaala naman ni Pangulong Marcos kung paano pagkakasyahin sa loob ng isang oras ang kanyang SONA.
Other News
  • 18-anyos British tennis player Raducanu naibulsa ang 1st US Open title matapos talunin ang Filipina-Canadian na si Fernandez

    Naibulsa ng teenager at British professional tennis player na si Emma Raducanu ang kanyang kauna-unahang US Open matapos talunin ang teenager din na Filipina-Canadian na si Leyla Fernandez.     Sa unang set nagkaroon nang adjustment ang dalawang teenage tennis rising star dahil hindi pa nila makuha ang kanilang momentum.     Dikit ang unang […]

  • Abra at iba pang lugar na tinamaan ng lindol tuloy ang pagbubukas klase sa Aug. 22

    NADAGDAGAN  pa umano ang bilang mga apektadong eskwelahan sa lalawigan ng Abra at mga kalapit na lugar matapos na tumama ang 7.0 magnitude na lindol.     Iniulat ni Atty. Michael Poa, DepEd spokesperson, na nasa 456 schools na ang naitalang merong infrastructure damage.     Dahil dito bilang alternatibo, sisimulan na rin ang pagpapatayo […]

  • “Safer and easier” air travel experience, mararanasan ng mga pasahero sa PTB sa Clark International Airport

    TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na papayagan ng bagong passenger terminal building (PTB) sa Clark International Airport (CRK) ang mga pasahero na i-enjoy ang “safer and easier” air travel experience sa kabila ng umiiral na coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic.     Ang pagtiyak na ito ni Pangulong Duterte ay kasabay nang pagbibigay puri […]