• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Speech sa SONA, fine-tuning na lang-PBBM

FINE-TUNING na lang ang ginagawa nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa magiging talumpati niya sa kanyang pangatlong State Of the Nation Address (SONA) sa darating na Lunes, Hulyo 22, 2024 sa Batasang Pambansang Complex sa Quezon City.

 

 

“Tuloy tuloy pero yung kabuuan ng speech ko, tapos na. Fine-tuning na lang ang ginagawa namin. Aayusin namin ‘yan lahat bukas at saka hanggang Linggo para maging handa sa SONA sa Lunes,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang panayam.

 

 

 

Ang problema lamang aniya kasi ay maraming problema na nais niyang pag-usapan.

 

 

“So, ang problema, napakarami ang gusto kong pag-usapan, baka humaba masyado, kaya hinahanapan namin, pina- prioritize namin lahat, tapos baka pwede makapag-explain ang ating mga secretary doon sa mga detalye ng iba,” ayon pa kay Pangulong Marcos.

 

 

 

“Kaya andun tayo ngayon, tapos na yan. Sinusubukan lang natin,” dagdag na wika nito.

 

 

Nauna rito, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil na personal na sinusulat ni Pangulong Marcos ang laman ng kanyang ulat para sa bayan.

 

 

 

Sinabi pa ng kalihim na kasama sa ginagawa ng pangulo ang pag-edit mismo ng kanyang SONA speech.

 

 

Nauna nang sinabi ni Pangulong Marcos na nakatutok sa lagay ng ekonomiya ng bansa, kampanya ng pamahalaan laban sa kriminalidad at ilegal na droga, ang pagpagpapabuti sa buhay ng mga Filipino ang laman ng kanyang SONA.

 

 

Inaalaala naman ni Pangulong Marcos kung paano pagkakasyahin sa loob ng isang oras ang kanyang SONA.

 

 

Samantala, okay lang kay Pangulong Marcos kung hindi na magsilbi sa kanyang gabinete si Vice-President Sara Duterte.

 

 

“Eh… Okay. That’s her position,” ayon sa Pangulo. (Daris Jose)

Other News
  • BAGONG BI CHIEF, NANGAKO NG MGA BAGONG REPORMA SA AHENSIYA

    IKINAGALAK ng Bureau of Immigration (BI) si Atty Joel Anthony M. Viado bilang bagong Commissioner.     Italaga si Viado bilang officer-in-charge noong nakaraang buwan kung saan dati siyang Deputy Commissioner simula pa noong April 2023 kasama sina Deputy Commissioners Daniel Laogan at Aldwin Alegre.     Bilang Abogado, na may sapat na kaalaman sa […]

  • ALINSUNOD sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

    ALINSUNOD  sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ginamit na rin ang mga presidential helicopter upang mapabilis pa ang relief operations sa mga nasalanta ng Bagyong #KristinePH sa iba’t ibang lugar sa bansa.

  • Mahigit P3-B nawala dahil sa agri smuggling noong 2023- PBBM

    SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na mahigit sa P3 billion ang nawala dahil sa agricultural smuggling noong 2023.     Inihayag ito ni Pangulong Marcos sa paglagda upang maging ganap na batas ang Anti- Agricultural Economic Sabotage.     Giit ng Pangulo, ang economic sabotage sa agricultural sector ay ”not simply a tale of […]